^

Punto Mo

25 bagay na madalas pagsisihan kapag matanda na

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa
  1. Hindi man lang nakaranas magpasyal sa ibang bansa kahit may pera namang gagastusin noong panahon ng kabataan niya.
  2. Hindi nag-aral ng ibang wika.
  3. Nagtiis makulong sa isang palpak na relasyon.
  4. Hindi gumamit ng sunscreen.
  5. Hindi naranasang panoorin ang concert ng kanyang paboritong singer kahit may perang gagastusin.
  6. Maraming kinatakutang gawin kagaya ng pagmamaneho ng sasakyan, sumakay sa barko, eroplano at mag-perform sa publiko kahit magaling magsayaw o kumanta.
  7. Tamad mag-exercise
  8. Natakot umalis sa trabaho na hindi naman siya masaya.
  9. Hindi sineryoso ang pag-aaral.
  10. Hindi niya naisip kung gaano siya kaganda.
  11. Hindi nagkaroon ng lakas ng loob na ipagtapat ang kanyang pag-ibig sa isang tao kahit wala itong kaseguruhan na tatanggapin niya ang kanyang pag-ibig.
  12. Hindi nakinig sa payo ng magulang.
  13. Laging iniisip ang sasabihin sa kanya ng ibang tao kaya naaapektuhan ang mga desisyon niya sa buhay.
  14. Naging abala sa pagsuporta sa pangarap ng iba, kaya hindi nagawa ang sariling pangarap.
  15. Nagkimkim ng sama ng loob sa kanyang kapamilya sa napakatagal na panahon.
  16. Hindi pinanindigan kung ano ang kanyang gustong pag-aralang kurso sa kolehiyo at ang sinunod ay gustong kurso ng magulang para sa kanya.
  17. Hindi napangalagaan ang ngipin.
  18. Mas binigyan ng oras ang trabaho. Walang itinira sa pamilya at sarili.
  19. Hindi nag-aral magluto. Kaya pagtanda, asa pa rin sa biling lutong ulam.
  20. Hindi naranasang makipaglaro sa mga anak lalo na noong baby pa sila. Nagulat na lang siya na aba, may baby na pala ang baby ko!
  21. Pinapanatili sa kaisipan na hindi siya marunong gumamit ng cell phone at internet kaya nagtitiyaga sa teleponong landline. Kaso ang kanyang pamilya at kaibigan ay ‘high technology’ na ang niyayakap kaya hindi na gumagamit
  22. Naging overthinker. Kahit na lang ano, pinoproblema.
  23. Sobrang matapang. Lahat ng isyu ay pinapatulan kaya laging may kaaway.
  24. Tsismosa, kaya walang kaibigan.
  25. Nakaligtaang makipagkasundo sa mga kaaway. Gustuhin man niyang humingi ng tawad sa mga ito, patay na silang lahat.

MS. ANNE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with