^

Punto Mo

Presong hindi alam na $2 lang ang piyansa, 5 buwan na nakulong

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

WALANG kaalam-alam ang isang preso sa New York City na dalawang dolyar lang (katumbas ng wala pang P100) ang kailangan niyang bayaran upang makamit ang kalayaan.

Ngunit dahil walang nagpayo sa kanya, nabilanggo ng limang buwan ang 41-anyos na si Aitabdel Salem sa Rikers Island.

Nakulong ang Algerian immigrant matapos siyang mahuling nagnanakaw sa isang tindahan sa Manhattan. Sinalakay rin daw niya ang pulis na umaresto sa kanya kaya patong-patong na kaso ang isinampa laban sa kanya.

Para sa paglaban niya sa pulis ay $25,000 ang piyansang ipinatong sa kanyang pansamantalang paglaya samantalang tig-$1 naman para sa dalawang hiwalay na kasong isinampa rin laban sa kanya.

Nagkataong ibinasura ang kasong $25,000 ang piyansa kaya $2 na lang sana ang kinailangan niyang bayaran upang makalaya ng pansamantala.

Ngunit ayon kay Salem ay hindi siya sinabihan ukol dito ng kanyang abogado kaya ang akala niya ay $25,000 pa rin ang kailangan niyang pampiyansa.

Sa huli, limang buwang nanatili sa bilangguan si Salem dahil lang hindi naipaliwanag sa kanya ng kanyang abogado na kasing mura lang ng isang slice ng pizza ang kailangan niyang bayaran upang makalaya.

Pinalaya rin pansamantala si Salem matapos ang limang buwan na pagkakabilanggo ngunit ngayon ay nasa piitan na naman siya dahil sa hindi niya pagsipot sa kanyang hearing.

Sa pagkakataong ito, $30,000 na ang kanyang piyansa.

ARNEL MEDINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with