^

Punto Mo

Libingan ng Bayan

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

DAPAT ay baguhin ang pangalan ng Libingan ng mga Bayani upang maalis na ang isyu kung sino ang mga dapat ilibing dito.

Bagamat may desisyon na ang Korte Suprema sa pagpapahintulot na mailibing sa Libingan ng mga Bayani si dating Pres. Ferdinand Marcos ay pilit pa rin itong tinututulan.

Nagkasa na rin ng mga kilos protesta ang iba’t ibang grupo na naglalayong huwag matuloy ang paglilibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Batay sa desisyon ng Korte Suprema, kuwalipikado si Marcos na maihimlay sa Libingan ng mga Bayani dahil bukod sa pagiging Presidente ay naging sundalo rin at naging mambabatas.

Pangunahing tumututol dito ay ang mga naging biktima ng karapatang pantao noong martial law.

Suhestiyon ko, bigyan ng bagong pangalan ng libingan. Gawin itong “LIBINGAN NG BAYAN” kung saan maaalis na ang terminong bayani.

Pero dapat ay manatili pa rin ang mga kuwalipikasyon kung sinong personalidad ang dapat na mahimlay sa “Libingan ng Bayan”.

Maaring magpababa ito sa tensiyon at pagkuwestiyon na hindi raw kuwalipikado si Marcos na mailibing dito dahil hindi bayani sa halip ay diktador at may mga kaso ng pagnanakaw sa pondo ng bayan.

Aalisin lang ang letrang “I” sa bayani at magiging mabilis ito upang maiwasan na rin ang pagkakawatak-watak sa nasabing usapin.

Sakaling mailibing nang tuluyan ang dating Presidente, magwawakas na rin ang magkaribal sa pulitika na Aquino versus Marcos.

ELY SALUDAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with