100 Payo ng Centenarians
(Last Part)
…para magkaroon ng happy, healthy and long life kagaya nila:
81. Huwag magmadali sa pag-aasawa para makapili ng mabuting asawa. Kapag nagmamadali, bungi ang napipili.
82. Tapusin ang pag-aaral sa kolehiyo. Iba ang may pinag-aralan.
83. Quit smoking.
84. Regular magpa-check up sa ngipin, pandinig at paningin. Ito ang kadalasang nasisira pagtanda.
85. Iwasang mahulog o madapa. Kapag matanda na, lumulutong ang ating buto kaya mabilis mabalian ng buto. Mag-invest sa good quality shoes na angkop para sa matatanda. Mas lalo raw mabilis madadapa kung nakayapak.
86. Umatend sa yoga class para matutong kontrolin ang stress. Laging maglibang kasama ang mga kaibigan.
87. Subukan ang lahat ng paraan para sa katuparan ng pangarap. Paano mo makakamtan ang panalo kung hindi ka tataya?
88. Mas piliin ang excitement kaysa pera. Aanhin mo ang malaking suweldo kung hindi ka naman nag-e-enjoy sa iyong ginagawa? ‘Yun bang kagigising mo lang, pakiramdam mo ay tinatamad kang pumasok sa trabaho. Mas pipiliin ko ang trabahong ang pakiramdam ko ay naglalaro lang ako kahit na hindi kalakihan ang aking suweldo.
89. Sundin mo kung ano ang iyong pangarap at huwag ang pangarap na idinikta lang ng iyong magulang. Manindigan ka sa iyong pangarap. This time, hindi kasalanan ang pagsuway sa kanilang kagustuhan. Buhay mo ito, hindi sa kanila.
90. Mabilis ang paglipas ng oras. Huwag mong aksayahin ito.
91. Kung nagkamali, palitan. Huwag ipagpilitan. Applicable ito sa pagpili ng career, kahit sa taong minahal mo pero hindi naging karapat-dapat sa dalisay mong pagmamahal.
92. Habang bata, maging mabait sa matatanda. Kung matanda na, maging mabait sa mga bata.
93. Gumamit ng sunscreen, body lotion at facial cream.
94. Laging ngumiti.
95. Makipaglaro sa mga apo pero huwag pumayag na maging full time baby sitter nila. My God, pinagdaanan mo na iyan. Tapos ka na diyan. Sarili mo naman ang iyong alagaan.
96. Kung duda ka, maliit na hakbang muna ang gawin. Pero huwag na huwag kang titigil sa paghakbang.
97. Magbayad ng utang. Isa itong pansukat sa karakter ng isang tao.
98. Umiyak ka kasama ang isang kaibigan. Mas mainam iyon kaysa umiyak mag-isa.
99. Laging maniwala sa milagro.
100. Ang buhay ay gulong ng palad. Mas mainam na maging mabait sa lahat ng tao sa lahat ng oras. Para kapag nasa ilalim ka, maraming bubuhat sa iyo upang dalhin ka sa ibabaw.
- Latest