^

Punto Mo

Psychic na isda sa India, nahulaang si Trump ang mananalo sa election

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG “psychic” na isda sa India ang nahulaang si Donald Trump ang susunod na presidente ng United States, ilang oras bago nagsimula ang botohan.

Naglagay ang mga nag-aalaga sa isdang si Chanakya II ng mga lumulutang na litrato ni Trump at Hillary Clinton sa aquarium nito.

Pinili ni Chanakya II si Trump matapos itong bigyan ng tatlong pagkakataon para hulaan ang magiging resulta ng eleksyon.

Sa lahat ng tatlong beses na iyon ay lumangoy patungo sa litrato ni Trump ang isda.

Ito ang unang prediksyon ni Chanakya II matapos nitong palitan ang unang Chanakya na naging matagumpay sa pang­huhula ng mga mananalong koponan sa mga laro ng cricket at football.

Isa lamang si Chanakya sa mga hayop na tinaguriang “psychic” matapos sumikat ang octopus na si Paul noong 2014 nang mahulaan niyang mananalo ang Germany sa World Cup noong taong iyon.

Malaking bagay ang pagpili ni Chanakya II kay Trump lalo na’t inaasahan ng lahat na ang katunggali nitong si Clinton ang mananalo at magiging susunod na Presidente ng US.

ARNEL MEDINA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with