‘The Great American Blonde’
NUNG sinabi niyang tatakbo siyang Presidente akala ng lahat ‘it’s a big joke’. Si Donald Trump ay nakilala bilang may-ari ng franchise ng Miss Universe.
Ang mundo niya ay mundo ng magagandang babae, mga naka-bikini, mga nakasuot ng evening wear at sosyalan.
Naging kontrobersiyal siya nang sabihin niya na karamihan sa mga Mexicano ay drug addict, rapist at mamamatay tao. Sinabi rin niya na magtatayo siya ng isang mataas na pader kung saan lumulusot ang mga Mexicano papuntang Amerika.
Marahil dahil na rin sa pera maraming sumuporta at lumaban sa primary ng Republican Party. Ang nakalaban niya ay si Ted Cruz at tinalo niya ito.
Ang nakalaban naman ni Hillary Clinton sa Democratic Party Presidential Primaries ay si Bernie Sanders.
Ang susunod na bundok na kailangan niyang panikin ay ang makinarya ng Democratic Party sa pamumuno ni President Barack Obama, ng kanyang asawang si Michelle at sa tulong ni dating Presidente Bill Clinton. Si Hillary Clinton ang kailangan niyang talunin.
Walang naniwala sa kanya na maaari siyang manalo. Subalit ang amang ito na may kakaibang pag-uugali at estilo ng pakikipag usap sa tao ay dahan-dahang kumain ng mga botante para mapunta sa kanyang panig.
Ang mga dating balwarte ng Democratic Party ay nauungusan na ni Donald Trump. Ito kaya ay dahil gusto na ng mga tao ng pagbabago?
Bagamat hindi pa tapos ang lahat at sa isang iglap may mirakulong mangyari at magbago ng hindi natin namamalayan ang blondeng si Donald Trump ay ang susunod na Presidente ng pinaka mayaman at pinakamalakas na bansa sa buong bundo, ang United States of America.
Asahan mo rin na maraming Pinoy ang magpapakulay ng buhok na katulad niya at gagayahin siya.
Hindi naman tayo dapat makialam kung sino ang mananalo subalit may maliit na porssiyento na mga Pilipino na U.S citizen ang nakatira dun.
Ang malaking tanong ay kung si Hillary Clinton ang manalo dahil sa mga hindi magandang pangyayari sa ating bansa at kay President Barrack Obama at ganun na din sa American People makakaapekto ba to ‘in terms of aid’?.
Ang pagiging malapit ng Pilipinas sa China na nakikipag-unahan sa America puputulin ba o tatapyasin ng malaki ang tulong na pinadadala satin?
Marahil mangyari yun dahil kung si Donald Trump naman ang manalo isa sa kanyang malaking proyekto ay ibigay ang mga trabahong ikinalat niya sa buong mundo. Kayaga ng mga call center agents, bangko at pawang mga Amerikano ang kanyang gagamitin.
Ang binebentang 37,000 rifles ng Amerika sa Pilipinas ay biglang hindi itinuloy at iniutos ni Presidente Duterte na pumunta sa Russia o sa China subalit ang ginawa ni General Bato dela Rosa bilang hepe ng PNP ay nagsulat ng motion for reconsideration na para bang nakikiusap na ‘sige na naman o bentahan niyo kami’.
Kahit paano mo man tingnan ito ang Pilipinas ay maaapektuhan. Pero walang makakapagsabi kung ang desisyon ni Presidente Rodrigo Duterte na maging mas malapit sa China sa isang ‘open door foreign policy’ ay maiaangat ang estado ng kalagayan ng buhay ni Juan.
Yung mga campaign manager naman ni Trump ay sinabing naghanda sila ng dalawang speech kapag nanalo siya hihimukin niya ang taong nasaktan at yayayain niya sumama sa kanya.
Ang pangalawa ay kapag natalo siya ay iko-congratulate niya ang nanalo. Ang problema kay trump yung mga imigrants papaalisin niya kaya ninenerbiyos maski na ang nasa matataas na pwesto basta imigrant ka papaalisin ka. Babawasan din niya ang pagtulong ng Amerika sa buong mundo. Patay na!
Nakausap ko si Vice Ganda ang ninong ng aking anak mula bukas papalitan niya na daw ang kulay ng kanyang buhok ng blonde.
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.
Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.
- Latest