100 payo ng centenarians
(Part 4)
… para magkaroon ng happy, healthy and long life kagaya nila:
46. Huwag iinom ng alak na walang laman ang tiyan.
47. Huwag lalabas ng bahay nang basa ang buhok. Hindi disenteng tingnan na kuntodo make-up ka at maganda ang bihis pero basang-basa naman ang buhok. Maliban lang kung bumalik sa uso ang wet look na buhok.
48. Maligo araw-araw kahit pa taglamig. Kapag nasanay ka sa malinis na pakiramdam, pati konsensiya mo, pipilitin mong maging malinis sa tuwina.
49. Kung may multong magpakita sa iyong kuwarto ng 3 A.M., huwag matakot. Kausapin sila. Mas matakot ka kung buhay na tao ang pumasok sa iyong kuwarto ng disoras ng gabi.
50. Make sure na alam ng mga tao sa paligid mo na mahal mo sila.
51. Basta’t ito ang ikaliligaya mo at walang ibang tao na masasaktan, gawin mo ang gusto mo.
52. Sa mga kababaihan: Sa panahon na kakaunti ang pera pero maraming pagbabayaran, sa panahong aplay ka nang aplay sa trabaho pero walang tumatanggap sa iyo. Wala kang gagawin kundi mag-lipstick (para hindi mahalatang namumutla ka na sa gutom), mag-aplay ng make-up (para maganda pa rin kahit na-ngangalumata na sa tindi ng paghihirap) at ipagpatuloy lang ang paghahanap ng trabaho. Paano ka tatanggapin kung ang pangit mo?
53. Huwag kang pumayag na magkamali sila ng pagbigkas at pagbaybay ng pangalan mo. Turuan sila kung ano ang tama.
54. Laging magbaon ng biscuit at tubig para ligtas lipas-gutom o mas malala, ulcer.
55. Matutong makiusap. Paano mo makakamtan ang isang bagay kung hindi magsasalita? Walang panahon ang mga tao para basahin ang nasa isip mo.
(Itutuloy)
* Centenarian—mga taong nasa edad 100 taon o higit pa
- Latest