^

Punto Mo

Seaman, nagkulang sa child support?

FEEL THE GAME - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH Report! Dahil sa kawalan ng peryahan na nagbukas sa Metro Manila, mukhang mahihirapan ang kampo ni Don Ramon Preza, na may pa-jueteng sa Quezon City, na kumita lampas sa P470,000 weekly tara ng CIDG-National Capital Region (NCR). Sa ngayon kasi panay hikayat ng bata ni Preza na si Boyet Kalabaw para magbukas na ang mga peryahan subalit wala namang tumatalima sa iba’t ibang kadahilanan. Kaya naman itinaas ng kampo ni Preza ang lingguhang intelihensiya ng CIDG-NCR sa pag-akalang lalagwa sila kapag nagbukasan ang peryahan sa Metro Manila dahil hindi ito kasama sa sugal lupa at iba pang pagkakitaan sa bidding na pinanalunan nila. Noong nakaraang mga panahon kasi mga kosa, aabot sa 37 ang bukas na peryahan sa Kamaynilaan subalit pangilan-ngilan na lang ito noong umupo itong si ret. Gen. Carmelo Valmoria sa NCRPO. Pag umpisa kasi ng “ber” months ay bukas na ang mga peryahan kaya’t kaon ang mga nag-bidding ng lingguhang tara. Sa panahon ni NCRPO director Chief Supt. Oscar Albayalde hindi pa nagbubukas ang mga puwesto sa Ilaya sa Tondo, sa Quiapo, Maynila at sa Parang, Marikina na masabi ng mga kosa ko na malakas ang larong color games at drop ball. Sa ngayon, nganga itong tropa ni Preza at Boyet Kalabaw bunga sa hindi nadagdagan ang weekly tong nila at kokonti ang naging laman ng kanilang bulsa. Kapag hanggang Disyembre ay hindi mabubuksan ang peryahan nina Roy, Adrian at Marissa, mamomoroblema itong tropa ni Preza dahil wala silang mapagkukunan ng gagastusin sa X’mas party ng CIDG-NCR at iba pang opisina na hawak nila. Pati ang imbudong si Jojo Caringal ay gutom din t’yak.

* * *

Tunghayan muna natin mga kosa ang problema ni Charlot Navarro, 37, ng Digos City sa Davao del Sur. Hindi tungkol sa pulis ang problema ni Navarro mga kosa kundi tungkol sa pag-ibig at sana ay hindi magalit sa akin si Dr. Love sa panghimasok ko sa linya n’ya. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Na-in love itong si Navarro sa isang seaman na si Aman Jordan Galceran, 35, ng Cagayan de Oro City at nagbunga ang kanilang relasyon sa katauhan ni James Jordan o JJ. Kahit hindi sila nagsasama, nagpapadala naman si Galceran ng sustento na P15,000 kada buwan para gastusin ng bata sa private school, inuupahang bahay, tubig, kuryente at gamot at vitamins. Hindi sila nagkatuluyan ni Galceran, subalit masaya naman si Navarro dahil pinangatawanan ng una ang obligasyon niya sa kanyang anak. Hehehe! Dapat lang, di ba mga kosa?

Nagsimula ang kalbaryo ni Navarro nang mag-asawa itong si Galceran ng isang taga-Cagayan de Oro City dahil ang sustento ni JJ na P15,000 ay naging P10,000 na lang at kulang na kulang na ito sa gastusin ng bata. Mukhang opisyal ng barko si Galceran dahil ang suweldo n’ya kapag nakasakay s’ya ay aabot na sa P115,000 at barya lang ang P15,000 dito, di ba mga kosa? Teka nga pala mga kosa! Hindi na nakapagtrabaho si Navarro dahil todo bantay siya sa anak dahil sakitin ito bunga sa mas marami siyang white blood cells. Dalawang beses na rin itong na-dengue at sa ngayon nilalagnat pa. Kaya kailangan talaga ni JJ ng mas malaking sustento. Ang reklamo pa ni Navarro, kapag bumaba na sa barko si Galceran, aba halos magtatlong buwan na ito kung magpadala ng sustento. Ngeeek! Ano ba ‘yan!

Sa kagustuhang maitama ang sitwasyon niya, nangutang si Navarro at tumulak sa Metro Manila para kausapin ang mga opisyales ng Career Philippines Shipmanagement Inc., na may opisina sa Bangkal, Makati City. Ang siste, naghugas-kamay ang kausap na si Capt. Jimmy Bringuelo sa pagsasabing personal daw itong usapin nina Navarro at Galceran. Iginiit naman ni Navarro na itong pagbaba ng suporta ni Galceran sa anak na si JJ ay maliwanag na paglabag sa R.R. 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004 at nang Family Code na nagsasaad ng child support. Ayon pa kay Navarro, dapat automatic na ikaltas sa suweldo ni Galceran ang P15,000 na sustento kay JJ. Punyeta! Dapat lang sigurong ilapit na ni Navarro sa isang magaling na abogado itong problema n’ya at baka maging si Dr. Love ay mahirapang magbigay ng kaukulang payo dito. Hehehe! Tumpak! Abangan!

NON ALQUITRAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with