100 payo ng centenarians
November 7, 2016 | 12:00am
ANG Huffington Post, isang American online news ay nag-interbyu ng ilang centenarians (100 years old o higit pa) at ito ang mga payo nila para magkaroon ng “long and healthy life”:
- Maging masaya bawat paggising sa umaga. Gawing espesyal ang bawat araw.
- Kung kaya ng bulsa mo, mga gamit na may mataas na qua-lity ang bilhin. Madalas ay iyon ang nagtatagal at hindi nalalaos sa uso. Karapat-dapat lang na regaluhan mo ang sarili ng magaganda at mamahaling bagay. Nakakapagpasaya iyon ng kalooban.
- Lumabas at maglakad. Laging ikilos ang katawan upang hindi manghina.
- Umibig, magpakasal at makipag-sex.
- Hindi kailangang mag-exercise kung araw-araw ay ikaw ang gumagawa ng gawaing bahay. Di ba’t exercise na rin iyon?
- Sa halip na kuhanin sa pildoras ang bitaminang kaila-ngan ng katawan, kuhanin mo ito sa mga prutas, gulay at ibang healthy foods.
- Iwasang magkimkim ng galit.
- Huwag ipagpalit ang iyong minamahal sa anupaman bagay.
- Huwag pumayag na kontrolin ka ng ibang tao. Lumaban ka kung kinakailagan.
- Umiyak ka kung masama ang iyong loob. Hindi karuwagan ang pagluha, manapa’y katapangan sa pagtanggap ng iyong kahinaan.
- Magbiyahe at maglakbay habang bata pa.
- Tanggalin ang ugaling pagkukumpara ng iyong buhay sa buhay ng iba.
- Kung nahihiya kang makita na kasama mo ang iyong ka-date, senyales iyon na may mali sa pagsama mo sa kanya.
- Araw-araw, gumawa ng isang magandang bagay na para lang sa kapakanan mo. Minsan kasi, nakakalimutan natin ang sarili dahil inuuna natin ang mga anak at asawa.
- Iwasang maging kuripot.
- Magpatawad.(Itutuloy)
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
- Latest
Latest
Recommended
December 24, 2024 - 12:00am