Sabi ng mga Psycho-logists
Mainam na gumamit ng cash sa pamimili. Nadadama ang “sakit” sa paggasta kung cash ang ibabayad. Mas sumasakit ang bulsa, mas tumatalino sa paggasta.
Kung gagawa ng desisyon, siguraduhing magdudulot ito ng happy ending para sa lahat ng taong kasali sa pangyayari.
Ang senyales ng katalinuhan ay ‘yung laging may pagtataka at pagdududa sa kanyang isipan. Kasunod nito ay pagsasaliksik para madagdagan ang karunungan. Ang mga istupido, tiwalang-tiwala na tama lagi ang ginagawa nila sa kanilang buhay.
May paniwala ang mga Japanese na may tatlong mukha ang isang tao. Unang mukha, ipinakikita mo sa buong mundo. Pangalawang mukha, ipinakikita mo sa mga taong malapit sa iyo. Ikatlong mukha, ito ang hindi mo ipinakikita sa kahit kanino. Kasi, ito ang tunay mong pagkatao.
Ang mga taong mabilis ma-distract ay mga creative people.
Ang taong laging busy ay hindi nauubusan ng pagkakaabalahan at maligaya sa kanilang buhay.
- Latest