^

Punto Mo

EDITORYAL - Graphic warnings sa kaha ng yosi

COMMONSENSE - Pang-masa
EDITORYAL - Graphic warnings sa kaha ng yosi

KAHAPON ang itinakdang petsa sa paglalagay ng graphic warnings sa kaha ng sigarilyo. Nakasaad sa batas na dapat nang makita sa mga kaha o pakete ng sigarilyo ang larawan ng mga sakit na nakukuha sa paninigarilyo. Ang mga kompanya ng sigarilyo na hindi susunod sa batas ay may kahaharaping kaso alinsunod sa Republic Act 10643.

Dapat noong Nobyembre 15, 2015 pa inilagay ang graphic warnings subalit may report na nag-lobby umano ang mga kompanya ng sigarilyo sa Department of Trade and Industry (DTI) para maatrasado ang implementasyon ng paglalagay ng graphic warnings sa pakete. Ipinagpaliban ang pagpapatupad at kahapon nga natapos ang taning.

Marami ang nangangamba, lalo na ang mga cancer survivors na hindi pa rin tatalima sa batas ang mga kompanya ng sigarilyo. Tiyak na marami pa silang ihihirit hanggang sa mawala nang silbi ang batas.

Inaprubahan ni President Noynoy Aquino ang Republic Act 10643 noong 2014 at nakasaad na dapat ilagay sa kaha ang mga sakit na nakukuha sa paninigarilyo. Kabilang sa mga ilalagay sa kaha o pakete ng sigarilyo ay mga retrato ng sakit gaya ng cancer sa baga, lalamunan, bibig, pisngi, dila. emphysema, katarata at sakit sa puso.

Bukod sa mga retrato ng sakit, obligado rin ang mga cigarette companies na ilagay ang mga mensahe na nagpapaalala na masama sa kalusugan ang paninigarilyo. Sa kasalukuyan, maliit na mensahe lamang ang nakalagay sa bawat kaha ng sigarilyo na halos hindi mabasa. Layunin ng paglalagay ng mga retrato ng sakit sa mga kaha na mapigilan ang mga naninigarilyo at mga nagbabalak pa lamang. Inaasahang marami ang magdadalawang-isip na manigarilyo kapag nakita ang mga retrato ng sakit.

Sa Southeast Asia, tanging ang Pilipinas na lamang ang walang graphic warning sa kaha ng sigarilyo. Sa ginawang pag-aaral, maraming tumigil sa paniniga-rilyo nang makita ang nakaririmarim na sakit sa kaha ng yosi. Nabawasan ang mga nagyoyosi sa Thailand, Australia at Canada.

Tinatayang 87,600 Pilipino ang namamatay taun-taon dahil sa mga sakit na nakukuha sa paninigarilyo. Nasa panganib din umano ang mga taong laging nakakalanghap ng usok ng sigarilyo o ang second hand smoke. Nararapat kumilos ang Department of Health (DOH)  at mga health advocates para ipaglaban ang paglalagay ng graphic warnings sa mga kaha ng sigarilyo.

REPUBLIC ACT 10643

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with