Mga Kilos na Nagbibisto ng Pagkatao
1—Sa kanyang pagngiti
Makikita ang sinserong ngiti kung may makikitang kulubot sa paligid ng mata at lips. Kulubot lang sa lips ang nakikita sa pilit na ngiti.
2—Sa pakikipagkamay
a. Ang strong amd firm handshake ay nagpapahayag na ang isang tao ay sociable at sinasabi niya ang kanyang saloobin kung kinakailangan ng sitwasyon.
b. Kung inabot niya at kinamayan ang dalawang kamay ng kaharap, mayroon siyang pabor na hihingiin or may importante siyang mensaheng sasabihin.
3—Kapag nambabati
Kung inilalagay niya ang kanyang kamay sa balikat o likod ng taong binati niya, alinman sa dalawa—gusto niya ang pagkatao ng binati niya o mahilig siyang magpaikot ng tao.
4—Kung Hindi Binibitawan ang Cell Phone at paulit-ulit na may tsinetsek na newsfeed, email, etc.
Depressed siya at ginagawa lang outlet ang social media para may mapaglibangan.
5—Kapag nasa dinner table
Kung hinihiwa niya sa maliliit na piraso ang kanyang pagkain bago isubo, ang gusto niya ang long-term relationship. Gusto rin niyang tumakbo ang kanyang buhay ayon sa kanyang mga plano.
Kung pinaghahalu-halo niya ang lahat ng kanyang pagkain sa pinggan kahit pa iba’t iba ang lasa nito, may strong persona-lity siya. At kahit anong dami ng trabaho o responsibilidad ang ibigay mo sa kanya, tatapusin niya iyon sa itinakdang deadline.
(Itutuloy)
- Latest