^

Punto Mo

‘All Hallows-In...’

CALVENTO FILES SA PM - Tony Calvento - Pang-masa

KANYA-KANYANG burloloy at suot ng mga mascara. Kadalasan may pa-contest pa kung sino ang pinaka-kwela siya ang mabibigyan ng premyong pera at tropeo pa.

Maging sa Pilipinas ay nakaugalian na ng mga Pilipino na ipagdiwang ang Halloween. Karamihan nagsusuot ng costume ni Dracula.

Ang Dracula ay isang 1987 Gothic Horror Novel na isinulat ni Bram Stoker. Ipinapakilala nito ang bampirang karakter.

Ang nobelang ito ay naglalahad kung paano sinubukan ni Dracula na mula sa Transylvania ay makarating siya ng England para makahanap ng bagong dugo at palakihin ang bilang ng naabot ng sumpang ito.

Yung iba naman ay hinango mula sa karakter na si Quasimodo mula sa nobelang ‘The Hunchback of Notre-Dame’ na isinulat ni Victor Hugo.

Iba-iba pang karakter na lumalabas ang ginagaya ng karamihan ng mga kabataan. Hindi naman magpapahuli ang mga Pilipino na marami din naman tayong mga tikbalang at aswang.

Ilan pa sa ginagawa sa panahong ito ay ang pagpunta sa ‘haunted house’, trick-or-treat, paggawa ng jack-o-lantern at marami pang iba. Ang simbahan naman ay may misa at vigil din.

Ayon kay Fr. Roy Bellen ng Archdiocese ng Manila hindi dapat kinakatakutan ang mga patay at dapat nga silang ipagdasal.

Nais nilang baguhin ang ganitong pananaw at sa halip na mga nakakatakot na itsura ang kanilang isuot ay magsuot na lang sila ng parang mga Santo tulad ng ginagawa sa ‘March of Saints’.

Kung ang mga patay ay may kapasidad na bumalik dito sa mundo di sana’y wala na tayong mga ‘unsolved crimes’. Sila na mismo ang magsasabi kung sinong mga kriminal ang pumatay o gumahasa sa kanila para mapanagot at mahuli.

Ano ba talaga ang totoong kahulugan ng Halloween? Ito ay tatlong gabing selebrasyon mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 2.

Ang ibig sabihin ng Hallows ay ang mga kaluluwang pinagala sa lupa ng ilang araw at pagdating ng All Souls Day ay isinisigaw sa Inglatera ng isang bata na may maliit na kampanilya na pinatutunog ang Yakult, Yakult kayo diyan, ay ‘All Hallows In, All Hallows In’ pala.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

TONY CALVENTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with