^

Punto Mo

Buboy Go, di takot sa banta ni Bato vs sugal!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH Report: Mukhang ang interes ng peryahan ni Aling Toyang ang inuuna ni Mayor Gerardo Calderon ng Angono, Rizal imbes na ang sa pamilya ng sugarol na napatay ng mga poste ng sugalan. Sa magkanong halaga kaya? Kasi nga mga kosa, bukas pa din ang peryahan ni Aling Toyang na matatagpuan sa palengke ng Angono matapos mapatay si Rogelio Yumul noong Sept. 22. Nagbayad lang si Aling Toyang ng P150,000 sa asawa ni Yumul at presto….bukas na naman ang tatlong lamesang color games nito. Ang ikinakalat ng manugang ni Aling Toyang na si Allan ay nagbigay sila ng P150,000 grease money kay Mayor Calderon kaya’t sila ang kinampihan imbes na ang pamilya ni Yumul. Si Yumul mga kosa ay taga-Central Luzon at napadayo lang sa Angono para magbenta ng kalakal. Sa kamalasan, doon s’ya inabot sa peryahan ni Aling Toyang at habang panahon nang maghihikahos ang kanyang pamilya. Hihintayin pa kaya ni Mayor Calderon na ang taga-Angono na mismo ang patayin ng mga poste ni Aling Toyang bago siya kumilos at baklasin ang peryahan? Si Allan naman ay nagyayabang na sana reporter na lang ang namatay para mabawasan ang gastusin nila hanggang umabot sa Nov. 23 at 24 na kapistahan ng Angono. Ano ba ‘yan?

* * *

Tinatawanan lang ni Buboy Go, ang operator ng video karera machines sa Malabon City, ang pagbabanta ni PNP chief Dir. Gen. Ronald “Bato” de la Rosa na isunod n’yang i-Tokhang ang pasugalan matapos ang kampanya laban sa droga. Ayon sa mga kosa ko, mahirapang pasukin ng mga bata ni Bato itong bahay ni Buboy Go na matatagpuan sa Bgy. Tigpalas, sa San Miguel, Bulacan. Ang bahay ni Buboy Go sa Bgy. Tigpalas ay tinatawag ng taga-San Miguel na White House kasi nga nakalutang itong puti at parang kasing laki ng Palasyo sa Malacañang. Ayon pa sa mga kosa ko, maraming gumagala sa lote ni Buboy Go na may sukbit na baril sa beywang at me namataan din doon na mahabang kalibre ng baril. Ano ba ‘yan? At hindi lang ‘yan? Me firing range din sa likod ng bahay ni Buboy Go kung saan doon nag-ensayo ang kanyang mga bataan. Get’s nyo mga kosa? Punyeta! Dapat isang kompanya ng Special Action Force (SAF) ang bitbitin ni Bato kung gusto n’yang i-Tokhang itong si Buboy Go, di ba mga kosa? Tumpak! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Kung sabagay, bagyo din ang padrino nitong si Buboy Go dahil, ayon sa mga kosa ko, sinuportahan nito ang tumakbong mayor nitong nakaraang election at nanalo naman. Siyempre, kapag kanya ang mayor ay kasunod noon ay kanya din ang hepe ng pulisya, di ba mga kosa? Kaya kapag nag-coordinate ang mga PNP raiders ni Bato, sa pulisya man o sa pulitiko, t’yak maabisuhan kaagad si Buboy Go. T’yak ‘yun! Hindi lang ‘yan! Tuwing me okasyon sa bahay ni Buboy Go, namamataan dun ng mga kosa ko ang ilan pang pulitiko tulad ng tongressman. Hehehe! Kumpleto-rekado ang padrino ni Buboy Go, no mga kosa?

Inulan naman ang Supalpal ng kuro-kuro kung sino itong si Triple One, na tumatayong padrino ni Buboy Go sa video karera n’ya sa Malabon. May nagsasabing itong si Triple One ay si Mayor Lenlen Oreta mismo samantalang ang iba ko namang kosa ay ang itinuturo ay ang dating mayor na si Tito Oreta. Sa mga kosa ko sa Malabon City, sino ba sa dalawang Oreta ang si Triple One? Hehehe! Magaling din magtago itong si Triple One, no mga kosa? Pero ang iginigiit ng mga kosa ko, itong sina Baron at Triple One ay hindi iisa. Si Baron, anila, ay tagakilos ng mga Oreta ng mga proyekto sa City Hall, samantalang si Triple One ay sugal ang linya. Kilala kaya ni alyas Aging, ang sakla operator ng Malabon City, si Triple One? Ano sa tingin n’yo mga kosa?

Ang kumakalat na balita sa Malabon, itong taga-RPIOU pala na nang-raid sa mga makina ni Buboy Go kamakailan ay pinatawag ni NPD director Sr. Supt. Roberto Fajardo at pinagalitan. Ayon pa kay Fajardo, kaya ko lang binibira si Buboy Go ay para magpa-doble lang. Ano ba ‘yan? Abangan!  

 

NON ALQUITRAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with