^

Punto Mo

Carabao Man (173)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MAGHAPON na nagkulong sa isang kubo na malapit sa water falls ang bagong kasal na sina JP at Maricel. Mas ginusto nilang sa kubo idaos ang makasaysa-yang honeymoon. Kung ang iba ay lumilipad patungong ibang bansa o kaya’y sa Baguio o Tagaytay para idaos ang pulu’t gata, pinili nila ang presko at masarap na klima sa kanilang sariling paraiso. Napag-usapan na nila ang bagay na iyon bago pa sila nagpakasal. Nagkasundo sila na dito sa kubo pagsasaluhan ang walang katulad na pagmamahalan.

Hatinggabi na nang sila ay magising. Hindi nila maipaliwanag ang kaligayahang nadama. Para kay JP, iyon ang pinakamasayang sandali sa kanyang buhay. Ganundin naman si Maricel.

“Halika, kumain tayo, Maricel,” yaya ni JP. “Naghihintay na ang pagkain natin.’’

“Paano nagkaroon ng pagkain, JP?’’

“Bago pa tayo magkulong dito sa kubo, nagpahanda na ako nang maraming pagkain na pagsasaluhan natin. Kaya kahit anong gusto mo, nasa kusina na nitong kubo. Nagulat ka ano?’’

“Oo. Kasi ang akala ko, tayong dalawa lang dito,.’’

“Oo nga tayong dalawa lang. Yung mga naghanda ng pagkain ay umalis na. Babalik lang sila kapag tinawagan ko para sa muli kong order. Halika na, kain tayo. Marami pa tayong gagawin mamaya.’’

Kinurot ni Maricel sa singit si JP. Biglang napaiktad si JP. Nagtawa nang nagtawa si Maricel.

Lumabas sila sa kuwarto at nagtungo sa katamtamang dining area ng kubo. Namangha si Maricel sa maraming pagkain na nasa mesa. Parang may handaan sa dami ng pagkain.

“Ang dami, JP! Kaya ba na-ting ubusin ang mga ‘to’’

“Kaya! Sige kain na tayo.’’

Kumain sila. Masayang-masaya habang nagsusubuan.

Pagkatapos kumain ay nagpahinga lang sa salas at muling nagkulong sa kuwarto.

KINABUKASAN, nagyaya si Maricel na mamasyal sa kaparangan.

“Gusto ko sa damuhan, JP. Magtatapak ako.’’

“Halika. Magandang maglakad kapag bago pa lang sumisikat ang araw.’’

Naglakad sila sa kaparangan.

Maya-maya, nagtatakbo si Maricel. Nagpapahabol.

“Habulin mo ako Carabao man! Ha-ha-ha!’’

“Sige kung ‘yan ang gusto mo.’’ (Itutuloy)

CARABAO MAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with