Kakaibang Kuwento
…tungkol sa U.S. President
Andrew Jackson —Siya ang first American President na nakaligtas sa attempted assassination sa kanyang buhay. Binaril ang Presidente ngunit hindi pumutok ang baril ng assassin. Sinamantala ito ng presidente, tumakbo siya patungo sa assassin at pinupok niya ang ulo nito gamit ang tungkod.
Mayroon siyang alagang parrot na madaldal na ang pangalan ay Poll. Noong pumanaw ang presidente, kailangang ilayo ang parrot sa burol dahil walang tigil ito sa pagmumura.
James Buchanan —Siya ang 15th President at nag-iisang “bachelor president”. Noong 1860 ay bumisita sa White House ang Prince of Wales mula sa England. Maraming kasama ang Prince kaya naubos ang bedroom. Napilitang matulog sa hallway ang presidente.
James Garfield —20th President. Kaya niyang pagsabayin sa pagsusulat ang kanan at kaliwang kamay. At bonus: isa ay nagsusulat ng Latin, isa ay nagsusulat ng Greek.
William Howard Taft —27th President at siya ang pinakamatabang presidente. Sa sobrang taba, at maliit naman ang bath tub, kailangan pang tumawag ng ilang malalakas na lalaki para siya tulungang makatayo mula sa pagkakaipit sa bath tub.
Woodrow Wilson —28th President. Hinahayaan niyang kumain ng damo ang mga alagang tupa sa lawn ng White House upang makatipid sa ibabayad sa hardinero. Ipinagbebenta ang wool ng tupa. Ang napagbentahan ang ibinibigay sa Red Cross.
John Quincy Adams —6th President. Hindi siya mahilig pumorma. Basta’t malinis ang kanyang damit at maginhawa ito sa kanyang pakiramdam, okey na iyon sa kanya. Sa loob ng 10 taon, iisang sombrero ang kanyang ginagamit.
- Latest