^

Punto Mo

Sabong, talamak sa SBMA!

SHOWBIZ UPDATE - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH Report: Nagbukas na ang color games at drop ball sa peryahan ni Aling Toyang matapos nila ayusin ng P150,000 ang pamilya ni Rogelio Yumul, na pinatay ng mga poste n’ya noong Sept. 22. Si Yumul ay pinalo ng dos-por-dos ng mga tauhan ni Aling Toyang na puro lango sa alak. Kaya dinudumog na naman ng mga parukyano ang peryahan ni Aling To-yang na matatagpuan malapit sa palengke ng Angono, Rizal at mukhang nabili na rin si Mayor Gerardo Calderon at si Supt. Dennis Makalintal, ang hepe ng pulisya. Ang pamilya ni Yumul ay hindi na pipiyok dahil nabusalan na sila ng pitsa ni Aling Toyang. Ganyan na talaga kamura ang buhay ng tao sa mata ni Aling Toyang? Ang peryahan ni Aling Toyang ay tatayo sa puwesto nito hanggang sa kapis-tahan ng Angono sa Nov. 23 at 24, di ba Mayor Calderon Sir? Kaya buhay na naman ang hasang ni SPO1 Antolin “Jhong” Vecario, ang over-all bagman ni Calabarzon police director Chief Supt. Valfrie Tabian, ng PMA Class ’86! Ano ba ‘yan! Pitsa, pitsa talaga!

* * *

Imbes na maghanap ng investors para sa Subic Bay Metropolitan Authority, eh pasugalan at pagkakitaan ang inaatupag nitong mga bataan ni SBMD chairman Martin Diño. Usap-usapan kasi ng mga kosa ko sa SBMA itong malakihang sabong sa isang basketball court na hindi ka-yang ipahinto ni Diño. Sinabi ng mga kosa ko na ang sa-bong ay walang kaukulang permit at wala ito sa mandatos ng SBMA dahil puro negosyo lang dapat ang pinapasok doon sa loob. Subalit halos tatlo hanggang apat na beses ang sabong dun at umaabot sa milyon ang tayaan. Kaya imbes na gamitin ang court sa pampapawis ng mga taga-SBMA eh naging sentro ito ng ilegal na sugal, di ba mga kosa? Noong nakaraang Sabado, pinilit ng hepe ng Tourism department ng SBMA na ipahinto ang sabong subalit hindi siya nagtagumpay. Umabot pa sa 85 sultada ang sabong sa araw na yaon. Hehehe! Totoo ba ang balitang kumakalat sa SBMA na andun at nagsasabong din si Diño sa panahon na ‘yaon? Ano sa tingin n’yo mga kosa?

Kung sabagay, dinatnan na ni Diño itong problema tungkol sa sabong. Halos anim na taon din itong hindi pinapansin ng dating pamunuan ng SBMA noong panahon ni Pres. Noynoy. Hindi pa kaya arok ni Diño na ang sabong na walang permit ay paglabag ng P.D. 1602? Anong say n’yo mga kosa? Ang masama n’yan ang nagtipon-tipon dun sa sabungan ay mismong mga empleado ng gobyerno, kabilang na ang taga-SBMA at taga-Customs. Ano ba ‘yan? Hindi lang ‘yan? May namataan din ang mga kosa ko na mga oil at cigarette smugglers at Chinese druglords dun sa sabungan. Aba, aba, hindi na papayag si Pres. Digong na maging pugad ng smugglers at druglords ang SBMA, di ba mga kosa? Punyeta! Saan ang pagbabago na ibinabando ni Digong kung itong sabong sa SBMA ay hindi masawata ni Diño? Baka naman hindi pa arok ni Diño ang problemang dulot ng sabong sa loob ng SBMA? Hehehe! Kanya-kanyang raket lang ‘yan!

Sa tingin naman ng mga kosa ko, hindi sisirain ni Diño ang tiwala sa kanya ni Digong na naghirang sa kanya sa SBMA. Kung seryoso si Diño na linisin ang SBMA ng oil at cigarette smugglers at Chinese druglords, dapat rendahan niya ang kanyang mga alipores na sina alyas Charlie at alyas Arnulfo, na isang pekeng heneral.

Si Charlie ay nagpapakilalang pinsan ni Diño samantalang si Arnulfo naman ay dating empleado ng Customs. Sinabi ng mga kosa ko na marami nang nakausap itong sina Charlie at Arnulfo subalit sa kasamaang palad ay hindi sila investors para magpasok ng negosyo sa SBMA. Hehehe! Baka naman pitsa ang pinapasok nila sa bulsa nila? Hala kilos na SBMA chairman Diño Sir! I-lambada mo itong sina Charlie at Arnulfo!

Abangan!

NON ALQUITRAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with