^

Punto Mo

Riding in tandem, namamayagpag

ISYU AT BANAT - Gus Abelgas - Pang-masa

Dapat na talagang matutukan nang husto ng PNP ang pamamayagpag ngayon ng riding in tandem suspects na dawit sa sunud-sunod na mga pagpatay na nagaganap lalu na sa Metro Manila.

Karamihan sa mga pagpaslang na ito ay itinuturing na  ‘death under investigation’.

Kaya nga hindi maisasantabi na mabilang ang ganitong mga pagpaslang na may kaugnayan sa kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.

Ito rin ang dahilan kung bakit nauungkat ang kaso ng mga extra judicial killings dahil sa ganitong istilo na kadalasan ang may gawa ay mga suspect na lulan ng motorsiklo.

Kapansin-pansin rin na tila walang nalulutas o nadadakip man lang na mga tandem na dawit sa mga pagpatay na ito.

Kung sinasabi ng PNP na malamang na gawa na rin ng sindikato ng droga ang pagpatay sa kanilang mga kasamahan, kailangan din naman na kumilos ang kapulisan at tugisin ang mga ito.

Maganda na kasi dahil talagang bumaba ang  krimen sa maraming bahagi ng bansa na resulta nga ng matinding operasyon ng pulisya laban sa  ilegal na droga.

Pero hindi rin naman maganda na tumaas ang bilang ng kaso ng mga pagpatay na walang nagiging kalutasan.

Kaya nga dapat na mabigyang pansin ang ganitong mga pag-atake ng mga tandem para lalong mapagtibay ang laban sa krimen.

GUS ABELGAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with