^

Punto Mo

Babaing kalahati lang ang utak, nagawang makakuha ng master’s degree

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

 

MASASABING successful sa buhay si Christina Santhouse.

Sa edad niyang 28 ay nakapag-asawa na siya at mayroon nang bachelor’s at master’s degree na natapos niya sa loob lang ng 5 taon. May sarili na rin siyang bahay na siya mismo ang bumili.

Ngunit nakakamanghang malaman na nakamit niya ang lahat ng ito sa kabila ng pagkakaroon ng utak na kakalahati lang.

Ito’y dahil inalis ang kanang bahagi ng kanyang utak noong siya ay bata pa lamang dahil sa isang kondisyon na kung tawagin ay Rasmussen’s Encephalitis.

Nakakamatay ang nasabing kondisyon at nagdulot ito ng paulit-ulit na seizures.

Sa sobrang lala ng mga seizures ay umabot na ito sa 150 na beses sa isang araw noong si Santhouse ay 8 taong gulang pa lamang.

Ang pag-alis sa kanang bahagi ng utak ni Santhouse ang naging lunas sa kanyang karamdaman.

Dahil sa operasyon ay nawalan siya ng kontrol sa kaliwang bahagi ng kanyang katawan pero nagsikap si Santhouse na maging normal ang kanyang pamumuhay.

Nakapaglakad siya sa tulong ng braces at nagawa pa niyang makasama sa honor roll pag-graduate niya ng high school. Nagawa rin niyang makakuha ng driver’s license at makapagtapos ng kolehiyo at graduate school.

Talagang naging matagumpay si Santhouse na gawing normal ang takbo ng kanyang buhay.

Bilang patunay ay hindi pa raw malalaman ng kanyang naging asawa na kakalahati lang ang utak niya kung hindi pa ikinuwento ito ni Santhouse sa kanya.

UTAK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with