Ang number two
SECOND wedding anniversary ng mag-asawang Kevin at Joy pero nagkataong pareho silang busy sa kanilang mga trabaho nang araw na iyon kaya hindi sila makapag-celebrate.
Isang araw bago mag-anniversary, umorder si Kevin ng mga bulaklak thru telephone para ipadeliber sa opisina ng asawa kinabukasan ng umaga. Idinikta niya ang isusulat sa card: HAPPY ANNIVERSARY YEAR NUMBER TWO!
Kinabukasan sa opisina ni Joy, nauna pang dumating ang bulaklak kaysa kanya dahil natrapik siya. Ang bouquet of flowers ay naiwang nakapatong sa table niya kaya bawat officemates na magdadaan sa kanyang office desk ay hindi maiwasang mabasa ang nakasulat sa card. Lahat ng nakabasa ay humahagalpak nang tawa sabay sabi ng…Grabe siya oh…
Ano ang nakasulat sa card? HAPPY ANNIVERSARY YOUR NUMBER TWO!
Double error ang nangyari: sa halip na Year, Your ang naisulat, pero mali pa rin ang paggamit ng your, dahil you’re dapat. Isang araw na hindi kinausap ni Joy ang asawa. Wala nang celebration, mali-mali pa ang grammar sa card. Mapapaluha na raw sana siya sa sobrang thoughtfulness ng asawa, pero umurong ang luha, sabay hagalpak ng tawa.
Ang flower shop ay humingi ng paumanhin. Nagpadala muli ng bouquet of flowers kinabukasan with matching chocolates, free of charge.
Image source: clipart
- Latest