^

Punto Mo

Tribu sa Africa, ginagamit na panligo ang ihi ng baka

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

UMIIKOT ang buhay ng isang tribu sa Africa sa kanilang mga alagang baka. Sa katunayan nga, ipinampapaligo ng mga miyembro ng tribu ang ihi ng kanilang mga baka tuwing umaga.

Ginagawa ng mga taga-Mundari tribe ng South Sudan ang paliligo ng ihi mula sa kanilang mga alagang baka sa paniniwalang maiiwasan nila ang mga sakit sa balat sa pamamagitan nito. Minamasahe rin nila ang mga baka at natutulog din sila kasama ang mga ito.

Sa sobrang pag-aalaga ng Mundari tribe sa kanilang mga baka ay pangkaraniwan na sa kanilang lugar ang mga bakang umaabot sa walong talampakan ang taas.

Lubos ang pagpapahalaga nila sa kanilang baka kaya naman nasusukat ang kayamanan at impluwensya ng isang tao sa Mundari tribe ayon sa dami at klase ng baka na kanyang pag-aari.

Kaya naman hindi na dapat nakakapagtakang binabantayan nila habang armado ng machine gun ang kanilang mga baka. Ito’y dahil magulo sa bahagi ng South Sudan kung saan namamalagi ang Mundari tribe kaya madalas ang nakawan ng baka sa kanilang lugar.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with