^

Punto Mo

15 signs na narcissist ang ‘jowa’ mo

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

SA unang tingin, charming sila at madaling mahalin. Pero habang tumatagal, unti-unting lalabas ang tunay nilang kulay, lalo na sa panahong magkarelasyon na kayo.

Ang paborito niyang pag-usapan ninyo ay tungkol sa kanyang sarili.

Mahilig siyang mag-name drop ng mga kilala o sikat na tao. Ikukuwento niyang “dikit” siya sa mga sikat.

Mahilig siya sa mamahaling gamit para magmukha siyang mayaman.

Mahilig pumorma at magpaganda.

Gagawin ang lahat dumami lang ang friends sa social media.

Sa mundo ng narcissist, life is good kung lahat ng  kanyang gusto ay nakukuha niya. Ang atensiyon, pangarap, at plano ng kanyang karelasyon ay dapat na nakasentro sa kanya. Kahit ang mga plano niya sa buhay ay sa kanya lamang.

Malakas ang kanyang paniwala na siya ang pinakamagaling at laging tama.

Napaka-sensitive sa mga kritisismo. Kung gusto mong magkagulo, punahin mo ang kanyang mga kahinaan.

Mahilig mag-drama.

May ugali siyang nangmamaliit ng ibang tao.

Hindi siya mahilig mag-sorry kahit pa maliwanag sa sikat ng araw na siya ang may kasalanan sa isang pangyayari. Basta, wala siyang ginawang mali.

Magaling magpa-ikot ng tao. Hindi uuwi ng ilang araw, hindi magte-text, hindi ka iimikan para sumunod sa kanyang gusto ang karelasyon.

Inggitera pero ang lagi niyang sasabihin ay marami ang naiinggit sa kanya.

Arogante pati sa kanyang karelasyon. Parang katulong kung ituring ang lahat ng kasama sa bahay.

Hindi niya aamining may personality disorder siya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with