Subukan muna natin ang K-to-12
Nabasa ko po ang inyong PM-Editorial noong Hunyo 8, 2016 na tumatalakay sa implementasyon ng K-to-12 program. Sa halip na 10 taon ang kurikulum sa bansa ay magiging 12 taon na.
Sa paningin ko, maganda ang K-to-12 sapagkat mahahasa ang mga senior high school sa kanilang napipisil na dapat pag-aralan o linya ng kanilang kaalaman.
Ako po ay may anak na magse-senior high school at natutuwa ako na maaaring makapakinabang nang malaki ang aking anak sa programang ito. Ang aking anak ay nalilinya sa arts. Palagay ko, mahahasa siyang mabuti sa haharapin niyang career.
Tama ang inyong sinabi na “Maganda ang nilalayon ng K to 12. Maaaring ito ang magpabago sa buhay ng mga Pilipino sa hinaharap. Magkakaroon na nang kahandaan sa pipiliing career. Sana, ito na ang pinto sa magandang bukas ng mga susunod pang henerasyon.”
Sang-ayon ako sa inyong pananaw sa K-to-12.
Maraming salamat. --- MRS. AURORA MAE BUENO, Sta. Cruz, Manila, [email protected]
- Latest