^

Punto Mo

‘Kilalanin muna si Digong’

CALVENTO FILES SA PM - Tony Calvento - Pang-masa

ANG sapatos sa umpisa masikip pero matapos mong ilakad humuhulma sa iyong paa at kumokomportable na. Ganun din ang relasyon sa tao, maninibago ka sa simula pero sa pagdaan ng araw ayos na ang buto-buto. Ok ka ba tiyan?

Kapag may kailangang mag-adjust hindi lang isang panig. Dapat parehong parte ang gumawa ng trabaho para mas maging magandang resulta nito. Sa mga mamamahayag o sa kung sino mang interviewer dapat kinikilala mo ring mabuti ang kakausapin mo.

May mga tao na mabilis mairita sa ilang isyu o usapin, meron din naman na nayayamot kapag ang tanong ay masyadong personal. Kung ganito bakit mo pa susundutin?

Kamakailan tinanong ng isang reporter si Presidente Rodrigo Duterte kung kumusta ang kanyang kalusugan. Sumagot naman itong ayos lang. Dapat tumigil na siya dun pa lang pero tinuloy niya pa rin na kung pwede bang makita ang medical records ni Digong.

Hindi naman ito basta-basta pwedeng pagbigyan at ipakita kaagad ang mga dokumento. Ang isang doktor nga ay hindi pwedeng ilabas ang record ng isang tao dahil sa tinatawag na doctor-patient relationship, o ng isang abogado dahil sa lawyer-client relationship at ganun din sa bangko dahil may tinatawag na ‘bank secrecy law’. Bakit naman kailangang ipakita ’dun?

Ang pagkainis ni Digong na ‘media black out’ ay maaaring ‘jerk reaction’ at hindi ko rin masisisi ito dahil para maiwasan na ang gulo, away o tarayan e wag muna mag-usap.

Nung panahon ng pangangampanya hiniling niya na bigyan siya ng anim na buwan dahil marami siyang gustong lutasin.

Bigyan natin ng pagkakataon ang tao na makapag-adjust. Bagamat hindi ako sang-ayon sa mga sagot niyang bargas. Pero sino ba ang nagbunsod nito?

Ang incoming Philippine National Police (PNP) Chief na si Ronaldo “Bato” dela Rosa naman ay nagsabing kapag sa anim na buwan ay hindi malutas ang problema sa krimen ay magbibitiw siya sa pwesto.

Napakabigat naman ng ipinapatong mo sa iyong sarili. May tipo ang boss mo na kapag hindi mo nagawa ang mga dapat mong gawin hindi mo na kailangang mag-resign dahil siya mismo ang magtatanggal sa ‘yo sa pwesto.

Mahirap magsalita ng tapos dahil masyado nang malalim ang problema ng droga sa Pilipinas.

Ang hinihintay ngayon ng taong bayan ay kung sino itong tatlong heneral na tinutukoy ni Presidente Digong na mag-resign kundi ibubulgar niya ang kanilang mga pangalan.

Bakit kaya hindi na nga ibulgar para mag-resign na sila at ipagtanggol na lamang ang kanilang mga sarili?

Kung tayo sinasabi natin sa kasama natin sa trabaho na kapag nakakasuhan tayo ng libelo, ang mga public official ay huwag maging balat sibuyas (onion skinned). Siguro wala din namang masama kung gawin din natin ang ating mga sinasabi.

PARA SA ANUMANG REAKSYON, sa mga biktima ng krimen o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

 

CRIMINAL RESPONSIBILITY

JUVENILE JUSTICE SYSTEM AND WELFARE ACT

MINIMUM AGE

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with