^

Punto Mo

Dalawang Katok

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

BIGLAAN ang pagkamatay ng ina ni Tricia. Papasok ito sa opisina nang mabangga ng trak ang kanyang kotse. Ulila na si Tricia sa ama kaya halos gumuho ang kanyang mundo sa pagkawala ng ina.

May pitong kabarkada si Tricia na totoong nagmamahal sa kanya. Upang hindi nito madama ang pangungulila sa ina matapos itong mailibing, nagpaalam ang pitong kabarkada nito sa kanilang mga magulang na payagan sana sila na matulog sa bahay ni Tricia isang beses kada linggo. Ang pitong kaibigan ay maghahalinhinang mag-overnight sa bahay ni Tricia. Kahit na kasama ni Tricia ang Lolo at Lola nito sa bahay, iba pa rin iyong may nakakasama itong kaibigan tuwing gabi habang nagluluksa. Solo siyang anak kaya naaawa ang mga kaibigan.

 Pagkaraan ng isang linggo, tumanggi na ang mga kaibigan ni Tricia na samahan itong matulog sa bahay. Tuwing gabi raw, simula nang ilibing ang ina, may naririnig silang dalawang katok sa labas ng pintuan. Kapag lumabas ay wala namang tao. Nang tanungin ang lolo at lola kung sila ang kumatok, tumanggi ang mga ito na sila ang kumakatok.

Biglang naalaala ni Tricia, may ugali ang mommy niya na kakatok ito sa pintuan ng kanyang kuwarto kapag hatinggabi na itong dumarating mula sa pag-o-overtime sa trabaho. Ito ang paraan niya para mag-goodnight sa anak. Kung hindi bubuksan ang kuwarto, sign iyon na tulog na ang anak.

Naunawaan ni Tricia ang mga kaibigan. Pero gusto niya ang pagkatok ng kanyang ina tuwing gabi. Iyon ang nagpapaluwag sa kanyang dibdib sa biglaang pagkawala nito.  Noong natanggap na niya ang katotohanan, biglang huminto ang pagkatok ng ina gabi-gabi.

 

PENSION INCREASE

SOCIAL SECURITY SYSTEM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with