^

Punto Mo

EDITORYAL - Tag-ulan, dengue at leptospirosis

Angie dela Cruz, - Pang-masa
EDITORYAL - Tag-ulan, dengue at leptospirosis

DINEKLARA na kamakalawa ng Philippine Atmos­pheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na tag-ulan na.

Sunud-sunod na umano ang nararanasang pag-ulan at ito ang palatandaan na pumasok na nga ang panahon ng tag-ulan. Ayon sa PAGASA, asahan na ang sunud-sunod at malalakas na pag-ulan sa mga susunod na araw. Ayon pa rin sa PAGASA, 17 bagyo ang inaasahang papasok sa bansa ngayong taon.

Kung pumasok na ang tag-ulan, tiyak na mana-nalasa na rin ang mga sakit na uso sa ganitong panahon. Tiyak nang lalaganap na naman ang dengue at leptospirosis. Ang dalawang sakit na ito ay lubhang delikado at dapat mag-ingat ang mamamayan.

Ang dengue ay nakukuha sa kagat ng lamok na Aedes Aegypti. Mabilis dumami ang mga lamok na ito. Madaling makikilala ang Aedes Aegypti dahil batik-batik ang katawan. Kadalasang sa araw ito nangangagat. Karaniwang biktima ay mga bata. Sintomas ng dengue ang lagnat, pagkakaroon ng pantal-pantal sa balat (rashes) pananakit ng ulo at kasu-kasuan, lagnat at pagsusuka

Ang paglilinis sa kapaligiran ang panlaban sa mga lamok na may dengue. Itapon ang mga basyong bote at lata, tinapyas na gulong ng sasakyan, mga paso ng halaman at marami pang iba na paboritong tirahan ng mga lamok. Linisin din ang mga kanal na hindi umaagos ang tubig.

Ang leptospirosis ay nakukuha kapag naglakad sa baha ang taong may sugat sa paa o binti o di kaya’y may galis. Kung may sugat sa paa at binti, posibleng pumasok doon ang mikrobyong leptospira na nagdadala ng leptospirosis.

Ang mga sintomas ng leptospirosis ay lagnat, nahihirapang umihi, naninilaw ang balat at namumula ang mga mata. Karaniwang lumalabas ang sintomas makaraan ang pitong araw. Kailangang dalhin agad sa doctor ang biktima sapagkat maaari itong mamatay.

Magtulung-tulong sa paglipol sa mga daga na naghahatid ng leptospirosis. Ang unang hakbang ay ang pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran at sa loob ng bahay. Kung malinis at nasa ayos ang pagtatapon ng basura, walang mabubuhay na daga.

Mag-ingat sa dalawang sakit na ito na nakaamba ngayong tag-ulan.

VENDOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with