Takot magbuntis kaya nakipagrelasyon sa kapwa-babae?
Ang mga katanungan ko po ay tungkol sa babaing hindi nagme-mens at tungkol sa tomboy. Bakit po kaya may mga babaing hindi nireregla? May pag-asa kayang magkaanak ang may ganitong kondisyon? Kapag nakikipag-sex po ang isang babae at hindi siya nabuntis, ito po ba ang nagiging mens? Marami po bang nararamdaman ang babaing patungo na sa menopause?
Ito pa po ang ilang katanungan ko tungkol sa mga tomboy: Nagkakaroon din po ba sila ng mens?
Bakit po kaya ang mas ginugusto nila ay kapwa din nila babae? Hindi po kaya takot lang silang magbuntis kapag nakipagrelasyon sa lalaki kaya babae na lamang ang gusto nilang karelasyon? —Romeo ng Dammam, K.S.A.
Ang mga babaing may pusong lalaki ay tinatawag na lesbian, tomboy, pars, mars, butch, butchokoy, T-bird at tibo. Sila ay normal na babae rin kung ang pagbabatayan lamang ay ang pisikal nilang hitsura. Dinadalaw rin sila ng menstruation buwan-buwan. Hindi ngunit tomboy ay hindi na siya magme-mens.
Sinasabing hindi lamang sapat na ang panlabas na hitsura ng isang babae ang feminine. Ang dapat ay mayroon din siyang pambabaing puso. Sa bagong depinisyon, sinasabing ang lesbia-nism ay hindi isang uri ng sakit o bunga ng isang sumpa. Ito ay isyu ng sexual orientation. Babae ang kanilang hitsura, pero babae rin ang kanilang napupusuan. May mga lesbian na mukhang lalaki kung umasta pero marami rin ang babaing-babae ang hitsura (ni hindi mo mahahalata). Ganyan din ang isyu ng mga bading.
Normal din sila bagamat hindi naaayon sa itinakdang “norm” ng ating lipunan ang kanilang “sexual preference.” Hindi totoong natatakot lamang silang magbuntis kaya nakikipagrelasyon ang babae sa isang kapwa babae. Sa pagitan naman ng babae at lalaki, marami namang contraceptive measures para hindi magbuntis ang babae. Higit sa isyu ng pera at kapit sa patalim, may mga babaing nakikipagrelasyon sa kapwa babae sapagkat ito ang idinidikta ng kanilang kalikasan.
May semilya man na pumasok o wala sa matris ng babae, nakatakdang magregla sila buwan-buwan. Aktibong nakikibahagi ang pambabaeng hormonang estrogen at progesterone. Hindi totoong ang regla ay dahil lamang sa “di-nabuong bunga” ng pagtatalik. Kahit ang mga babaing hindi pa nakikipagtalik ay nagkakaroon din ng regular na mens o regla.
Mahirap magbuntis ang isang babaing irregular kung mag-mens. Pero mas mahirap kung hindi talaga nireregla ang babae. Upang malaman ang sanhi nang hindi pagreregla nang regular, dapat na kumunsulta sa isang gynecologist ang babaeng hindi nagme-mens.
Ang isang babaing patungo na sa menopause ay nakakaranas ng sari-saring kondisyon gaya ng hot flashes, pagiging iritable, at marami pang pagbabago sa aspetong pisikal at emosyonal.
- Latest