‘Respeto naman, Congressman!
DISMAYADO, bwisit at galit ang mga senior citizen at pensyonado na sumugod sa Kongreso.
Pumunta sa Batasang Pambansa, nagbabakasakali na mao-override ng mga kongresista ang suportado nilang panukalang dagdag-pensyon ng Social Security System.
Ito ‘yung proposed P2,000 pension hike na nauna nang “ivineto” ni Pangulong Noy Aquino kasi malulugi daw ang SSS.
Kaya ang mga matatanda at retiradong umaasa sa kanilang pensyon, personal na nagpunta sa Kongreso. Nagtiis na maghintay ng mahigit tatlong oras sa labas bago buksan ang sesyon.
Subalit, hindi pa man opisyal na sinisimulan ang sesyon, may isang parang kabuteng biglang sumulpot.
Kahit na quorum o sapat ang bilang ng mga kongresista para pakinggan ang mga argumentasyon, si Mandaluyong Cong. Neptali Gonzales umepal. Bigla raw pinatay ang kuryente at mikropono saka sila lahat nagpulasan.
Hindi na nirespeto ang kaniyang trabaho at mga kabaro binastos rin ang sentimyento ng mga matatanda at pensyonado ng gobyerno.
Isa si Gonzales sa mga dahilan kung bakit lalo pang pumapangit ang imahe ng ating Kongreso.
Sa halip na igalang siya ng mga tao, dahil sa bastos na inasal na ito ng mambabatas nagiging pare-pareho na ang tingin sa kanila ng publiko.
Nakalimutan yata ni Gonzales na trabaho niyang magpasa ng batas. Hindi ‘yung taga-patay ng ilaw at mikropono para maprotektahan ang kaniyang sariling agenda at interes.
Respeto naman, Congressman! Tsk…tsk!
Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.
- Latest