^

Punto Mo

EDITORYAL - Busisiin munang mabuti ang BBL

Pang-masa

HINDI naipasa sa termino ni President Noynoy Aquino ang Bangsamoro Basic Law (BBL). Nag-end na ang session ng Kongreso at sa huling sandali, hindi nakakuha ng suporta sa mga kongresista ang BBL. Hindi nagkaroon ng katuparan ang marubdob na pagnanais ni P-Noy na maipasa ang panukala. Ang BBL ang pangunahing component ng peace deal na nilagdaan ng gobyerno sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) noong nakaraang taon.

Pero marami pa rin ang positibo na ang maipapasa ang BBL sa mga darating na panahon. Mangyayari raw ito kung ang “manok” ng administrasyon ang mananalo sa May 2016 presidential elections. Naniniwala ang marami na itutuloy ng kaalyado ni P-Noy ang pagsasakatuparan ng BBL sapagkat marami nang umasa rito.

Mayroon namang nangangamba na ang hindi pagkakasabatas ng BBL ay magpapasiklab na naman ng kaguluhan sa Mindanao. Ang mga hindi sumasang-ayon sa BBL, gaya ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ay maghahasik ng gulo hanggang sa tuluyan nang mawasak ang peace process. Gagawin lahat ng BIFF at iba pang rebeldeng grupo ang kanilang makakaya para wasakin ang pakikipagkasundo ng MILF sa gobyerno.

Maraming nagsasabi na ang hindi pagkakapasa ng BBL ay dahil sa pagmasaker sa 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF) noong Enero 25, 2015. Malaki ang epekto ng masaker sapagkat hindi naging parehas ang MILF habang iniimbestigahan ang kaso. Hindi ganap ang pakikiisa ng MILF para mapadali ang paghahanap ng katotohanan sa Mamasapano massacre.

Marahil, mayroon pang dapat isagawa kaya hindi nagkaroon ng katuparan ang pagsasabatas ng BBL. Siguro, kailangan rebyuhin uli ang BBL bago ito tuluyang ipasa. Kailangang dumaan sa mabusising pag-aaral, pagkakaroon ng transparency at parehas ba ito sa iba pang rebeldeng grupo na naghahangad din ng pagbabago sa Mindanao.

ANG

BANGSAMORO BASIC LAW

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

BBL

ENERO

HINDI

MINDANAO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

P-NOY

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

SPECIAL ACTION FORCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with