Nasaan ang Kaharian ng Diyos?
NOONG 17th century, isang eskuwelahan ng mga bata sa England ang may batas na bawal maglaro. Ayon sa relihiyosong founder ng eskuwelahan na nagkataong ministro ng relihiyong itinayo niya, “Ang batang mahilig maglaro ay magiging iresponsable paglaki.”
Walang holiday sa eskuwelahan. Dahil doon mismo sa eskuwelahan nakatira ang mga bata, araw-araw silang gumigising ng alas-4 ng umaga upang magdasal at magmeditasyon nang kalahating araw. Tuwing Biyernes ay hindi pinakakain ang mga bata hanggang alas-3 ng hapon. Iyon daw ay paraan ng pagsasakripisyo upang makamtan daw nila ang kaharian ng Diyos.
Ngunit tinutulan ito ng mga pinuno ng iba’t ibang relihiyon. Ayon sa kanila, “Ang kaharian ng Diyos ay matatagpuan sa puso ng masasayang bata. Hindi matatagpuan ang kaharian ng Diyos sa mga batang sinisikil ang karapatang maglaro; karapatang kumain ng tama sa oras; at nabubuhay sa pananakot na may kasamang pagpapahirap, emosyonal o pisikal.”
Image source: www.mhpbooks.com
- Latest