Atlas para sa Big One inilabas na!
FLASH Report: Hindi lang pala sa pasugalan humahakot ng pitsa itong si Chief Insp. Ferdinand “Ferdie” Satoree, ang hepe ng intelligence ng Makati police, dahil me iba pa s’yang raket. Humahangos na nagreport ang kosa ko na kareretiro lang na ito palang si Satoree ang nasa likod ng pahulugan o 5/6 sa hanay ng kapulisan sa Makati. Binibili umano ni Satoree ang suweldo at allowance ng mga kapwa n’ya pulis at siyempre me tubo dito no? Ang kasosyo ni Satoree sa kanyang negosyo ay ang godfather n’ya na si Boy Reyes. At sa tingin ng kosa ko, palaging puno ang bulsa ni Satoree ng pitsa bunga sa tuloy naman ang operation ng color games at drop ball sa peryahan sa PRC, Pasong Tamo sa boundary ng Bgy. Carmona at Tejeros at sa pagbubukas din ng sugal sa peryahan sa Bgy. Washington at Carmona dahil fiesta dito. Kaya’t walang sagabal sa pag-remit ni SPO3 Randy Acle ng pitsa kay Satoree sa sabungan sa Pasay City. Ang tanong lang ng kosa ko kay PNP chief Dir. Gen. Ricardo Marquez t’yak may nilabag na alituntunin ng PNP itong si Satoree sa tong collection ni SPO3 Acle subalit sa pagiging loan shark n’ya ba meron din? Ahhh…Hindi makakarating kay NCRPO chief Dir. Joel Pagdilao ang mga reklamo laban kay Satoree dahil kakampihan s’ya ng mga kaklase n’ya sa Bicutan at SPD, di ba mga kosa?
* * *
Inilabas na ng Dept. of Science and Technology (DOST) at Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOCS) ang matawag nating Atlas ng Valley Fault System (VFS) para giyahan ang sambayanan ukol sa lugar na maaring tamaan ng “Big One.” Kaya’t kung may time kayo mga kosa, silip-silip din sa VFS Atlas para maka-iwas o makapag-prepara sa “Big One”, o isang malakas na lindol na maaring aabot sa 7.2 sa Richter Scale. Ang “Big One” ay ang paggalaw ng West Valley Fault kung saan hindi lang ang sambayanan ang maapektuhan kundi maging ang livelihood, buildings at infrastructures. Kung sabagay, hindi pa masabi ng DOST at Phillvocs kung kelan mangyayari itong “Big One” subalit iba na ang handa, di ba mga kosa? Kaya’t ang payo ko sa mga kosa ko, bumili na kayo ng VFS Atlas, na isang printed handbook ng malaking mapa kung saan detalyado ang mga lugar na tatamaan ng West Valley Fault. Kung wala naman kayong pambili, aba eh puedeng i-upload ang Atlas sa DOST-Philvocs website www.phivolcs.dost.gov.ph.Mag-aalboroto t’yak ang mga realtor at property developer dito sa Atlas ng DOST at Philvocs subalit nararapat lang itong ilabas para na din sa kapakanan ng sambayanan sa dadaanan ng West Valley Fault, di ba mga kosa? Punyeta! Kaligtasan muna ng sambayanan ang isipin at hindi ang pagkakitaan! Get’s n’yo mga kosa? Tumpak!
Ayon kay DOST Mario Montejo, ang Atlas ay masinsinang ginawa ng mga geologists ng DOST-Philvocs sa tulong ng mga local government officials. Nais ni Montejo na maipamahagi ang sipi ng Atlas sa lahat ng sulok ng bansa para makapag-generate ito ng awareness sa sambayanan at makapag-prepara sila sa “Big One.” Sa monitoring ni Montejo, aabot na sa 99,609 katao ang nag-download ng Atlas noong Dec. 2105 at 1,506 sipi nito ang naipamahagi na sa madlang people. Pinuna naman ni Dr. Renato Solidum Jr., ang Philvocs director, na ang susi sa awareness at preparedness ng sambayanan sa lindol ay ang appropriate land use, contingency planning for disaster response, at mga desinyo ng bahay, buildings at infrastructure sa lugar na may active faults. Ang Atlas ay ginawa para maibsan ang epekto ng lindol sa sambayanan, lalo na sa mga gusali at lansangan. Magiging giya ang Atlas para sa ligtas na komunidad sa panahon ng malakas na lindol, ani Solidum. Nangako naman si Solidum na handa silang magbigay ng kaukulang impormasyon ukol sa lindol sa madlang people na gustong maghanda sa pagdating ng malakas na lindol. Punyeta! Dapat bigyan pansin ng madlang people ang malasakit na ito sa kanila nina Dr. Solidum at Sec. Montejo, di ba mga kosa? Kelangan pa bang me mangyari muna bago sila magprepara?
Inirekomenda din ng DOST at Philvocs ang palaging earthquake drill para ang lahat ay handa sa lindol samantalang ang madlang people naman ay dapat magsagawa ng retrofitting sa kani-kanilang tahanan para lumakas lalo ang mga ito. Hindi na natin babanggitin kung saan dadaan itong West Valley Fault at ang mungkahi ko sa madlang people ay bumili sila ng Atlas o i-download nila ito sa DOST-Philvocs website para masilip-silip nila pag may time sila nang sa gayon liglas sila sa panahon ng lindol. Get’s n’yo mga kosa? Abangan!
- Latest