^

Punto Mo

‘Naka-renda na sila’

- Tony Calvento - Pang-masa

PAGDATING ng Pebrero 10 tapos na ang wantusawa ang paglabas sa telebisyon, poster na walang pangalan at mga tarpaulin na wala sa sukat. Ngayon ay dapat na sundin na ang kandidato ay binibigyan lang ng hangganan sa mga TV ads. Kapag ikaw ay lu-mabag dito baka magaya ka kay dating Gobernador ER Ejercito.

Kung abala ang mga kandidato noong nakaraang taon mas magiging puspusan ang pagpunta nila sa iba’t-ibang lugar ngayong ilang araw na lang ay pormal nang sisimulan ang pangangampanya para sa Halalan 2016.

Hindi pa man nagbibigay ang Commission on Elections (Comelec) na pwede nang magsimula ang mga politiko sa pa-ngangampanya ilang advertisements na sa telebisyon, radyo at mga pahayagan ang nakikita natin na naglalaman ng mga plataporma ng mga tumatakbong kandidato.

Ipinagbabawal ang maagang pangangampanya pero hindi naman mapigilan ang mga kandidato na magpabango ng pangalan sa mga botante.

Kanya-kanya silang diskarte, may dumarayo sa malalayong lugar at ang ilan naman ay sa mga unibersidad para maiparating ang kanilang hangarin sa nasabing posisyon.

Nagmukha na ding piyesta sa buong bansa sa dami ng mga nakasabit na tarpaulin at ilang pang mga litrato ng kandidato na nagmukhang mga banderitas sa dami ng mga pinagkakabit nila sa kung saan-saan.

Ayon sa Comelec, hihintayin nila ang ‘promulgation’ para sa Implementing Rules and Regulation para sa ‘Fair Election Act’.

Nauna nang sinabi ng Comelec na balak nilang maghigpit sa paggamit ng mga ‘campaign materials’. Lalong-lalo na ang mga materyales na may nakalagay na ‘donated by friends’.

Nakakalusot ito sa Comelec dahil hindi naman inaangkin ng mga kandidato na galing sa kanila ang mga ito.

Sa ilalim ng ‘draft Implementing Rules and Regulations’ kailangang may ‘written acceptance note’ ng kandidato o ng party treasurer ang mga umano’y donated campaign materials.

Magkakaroon lang din ng ilang minuto sa mga ‘broadcast election material’. Bibigyan lang ng kabuuang 120 minuto TV ads ang mga kandidatong tumatakbo sa ‘national position’.

Maganda na ding malimita ang paggamit at pagsasabit ng mga kandidato dahil kung iisiping mabuti nakakadagdag pa ito sa kalat ng bansa. Basura ang unang nagiging problema natin at may mga materyales pang nililipad at nakakabara sa mga kanal.

Isinasabit kung saan-saan kahit sa poste at kawad ng kuryente. Malaki ang posibilidad na magsanhi pa ito ng sunog. Dapat din nilang ilagay sa ligtas na lugar ang mga tarpaulin na ito.

Pag inilabas na ng Comelec ang kanilang mga regulasyon maging mahigpit sana sila sa pagpapatupad nito at ang sinumang lumabag ay bigyan ng karampatang parusa.

Hindi man hayagang sinasabi ng mga kandidato ang kanilang tatakbuhang posisyon para hindi masita alam naman ng publiko ang posisyong gusto nilang upuan.

Nasisiguro ko na mas marami silang pangakong sasabihin sa lahat ng lugar na pupuntahan nila. Sana lang kapag nahalal na sila sa posisyon ay matupad nilang lahat ito at magkaroon sila ng isang salita.

PARA SA ANUMANG REAKSYON, sa mga biktima ng krimen o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

 

ACIRC

ANG

AYON

COMELEC

FAIR ELECTION ACT

IMPLEMENTING RULES AND REGULATION

IMPLEMENTING RULES AND REGULATIONS

KANDIDATO

MGA

PARA

TONY A

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with