^

Punto Mo

EDITORYAL- Mahinang umaksiyon ang LTFRB

Pang-masa

KAHIT saan, may mga jeepney driver na kung magpatakbo ay parang nakikipaghabulan kay Kamatayan. Paekis-ekis kung tumakbo. Pa-zigzag ang pagpapatakbo. Walang pakialam kung may masagasaan o bumangga man sa mga kasalubong na sasakyan. At sa kabila na may mga jeepney driver na inilalagay sa panganib ang buhay ng kanyang mga pasahero mabagal naman sa pag-aksiyon dito ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Kamakailan lamang sila kumilos (kung hindi pa nag-viral sa social media ang dyipning pa-zigzag kung tumakbo sa Marcos Highway) at sinuspinde ang drayber.

Karaniwang ang mga jeepney na paekis-ekis kung tumakbo ay biyaheng Cubao-Sta. Mesa-Marikina at Antipolo via Marcos Highway. Tinatawag na “patok” ang mga jeepney at karaniwang mga estudyante ang pasahero. Bukod sa paekis-ekis na pagpapatakbo, sobrang lakas ng sounds ng “patok” jeepneys na halos makabasag eardrum at hindi magkarinigan ang pasahero.

Noon pa nirereklamo ang mga driver ng “patok” dahil takaw aksidente pero dedma lang ang LTFRB. Wala silang pakialam kung may maaksidente at mamatay na pasahero at pedestrian dahil sa masamang pagmamaneho. Ilang aksidente na ba ang kinasangkutan ng mga drayber ng patok na jeepney? Marami na pero walang ginagawa ang LTFRB.

Nag-viral nga sa social media ang paekis-ekis na “patok” jeepney habang tumatakbo sa Marcos Highway. Animo’y lasing ang nagmamaneho ng jeepney na nagmuntik-muntikang mahagip ang mga kasalubong na sasakyan.

Nakilala ang driver ng patok jeepney na si Mark Trudy Bumanlag. Depensa ni Bumanlag, ang kanyang konduktor daw ang nagmamaneho ng jeepney ng oras na iyon. Hindi ito pinaniwalaan ng LTFRB at sinuspinde siya ng tatlong buwan.

Marami pang pasaway na jeepney driver na inilalagay sa panganib ang buhay hindi lamang pasahero kundi pati pedestrians at motorista. Huwag sanang tutulug-tulog ang LTFRB at dakmain ang mga pasa­way na driver.

ACIRC

ANG

BUKOD

BUMANLAG

JEEPNEY

KUNG

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

MARAMI

MARCOS HIGHWAY

MARK TRUDY BUMANLAG

MGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with