^

Punto Mo

Sir Juan (107)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

DAHIL sa mga nakitang laruang ahas, gagam­ba at daga sa drawer, nagkaroon na ng phobia si Mahinhin. Natatakot na siyang buksan ang drawer. Para bang lagi siyang may makikita sa loob ng drawer. Kaya hindi na muna niya binubuksan ang drawer. Takot na takot talaga siya.

Palagay niya si Nectar nga ang naglagay ng mga laruang iyon sa drawer. Tama si Sir Juan na si Nectar lang naman ang maaaring gumawa niyon dahil ito lamang ang may galit sa kanya. Si Nectar lamang ang gustong magpaalis sa kanya. Pero gaya nang sinabi ni Sir Juan sa kanya, huwag matatakot sa ginagawa ni Nectar. Nakakapagpa-lakas ng loob ang pagsuporta ni Sir Juan sa kanya. Hindi talaga siya pinababayaan ni Sir Juan.  Kaya naman kung ano ang sabihin nito sa kanya ay sinusunod niya. Gaya nang sinabi nito na kunwari ay maghahalikan sila para maipakita kay Nectar. Sunud  lang siya nang sunod dito. Kung iyon ang makabubuti para sa kanila at makapagpapaalis kay Nectar, susunod siya. Si Sir Juan ang pakikinggan niya.

Bukas daw o sa makalawa ay maaaring maghalikan uli sila. Ipakikita uli nila kay Nectar ang paghahalikan.

Nag-isip si Mahinhin at saka napangiti. Kahit pa araw-araw silang maghalikan ay papayag siya. Masarap namang humalik si Sir Juan. Talagang hindi niya malimutan ang unang halik na ginawa sa kanya ni Sir Juan.

Napangiti muli nang buong tamis si Mahinhin.

 

WALANG kamalay-malay si Mahinhin na sinusubaybayan siya  ni Nectar. Napapangiti ito. Mayroon na namang naiisip na gagawin kay Mahinhin.

Siya nga ang naglagay ng mga laruang ahas, gagam­ba at daga sa drawer.

Napahalakhak nang lihim si Nectar.

Takot na takot siguro ang malandi, ha-ha-ha!

Hanggang sa mayroon na namang balak na nabuo sa kanyang isipan.

Tiyak na lalo siyang matatakot sa gagawin ko, ha-ha-ha!

(Itutuloy)

ACIRC

ANG

JUAN

KAYA

MAHINHIN

NECTAR

SI NECTAR

SI SIR JUAN

SIR

SIR JUAN

SIYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with