^

Punto Mo

Sir Juan (104)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KINONTAK ni Nectar sa cell phone si Gringo. Mayroon siyang mahala-gang itatanong dito.

“O Nec, itutuloy na ba natin ang plano kay Mahinhin?’’

“Oo. Pero hindi muna ngayon dahil may bago akong naisip.’’

“Ano ang naisip mo?’’

“Ba’t ko naman sasabihin sa ‘yo?’’

“Baka sakaling makatulong ako.’’

“Hindi na. Basta ang ipagagawa ko sa’yo ay ligawan mo si Mahinhin. Kapag hindi nagtagumpay ang iba ko pang naisip laban sa malanding iyon, siguro naman ay hindi na siya uubra sa’yo. Palagay ko, kaya mo siyang paglaruan.’’

“Palagay mo, matataypan ako ni Mahinhin sakali’t ligawan ko?’’

“Hmmm, puwede. Kung ayaw pumayag e di daanin mo sa puwersahan.’’

“Mahirap yata ‘yan, Nectar. Baka makasuhan ako e di ako ang kawawa. Baka pagpinuwersa ko e magreklamo at ipapulis ako.’’

“Tange ka pala e bakit ka gagawa ng isang bagay na malalagay ka sa alanganin e di pagbutihin mo ang pagta-trabaho.’’

Natahimik si Gringo.

Maya-maya ay nagtanong ito.

“Ba’t mo nga pala ako tinawagan, Nec?’’

“Ay oo nga pala. Itatanong ko lang kung bukas pa ang KOLEHIYALA? Di ba sabi mo ni-raid yun?’’

“Hindi ko alam Nec. Mula nang i-raid ay hindi na ako nagtungo roon.’’

“Ay wala pala akong mahihita sa’yo! Sige, saka na lang tayo mag-usap.’’

“Nec paano yung pangako mo. Sabi mo mahahalikan ko na ang maitim na pugad ng The Raven.’’

“Nagawa mo na ba ang pinatatrabaho ko?’’

“Hindi pa.’’

“’Yun pala e bakit nagta­tanong ka kung kailan mo mahahalikan ang pugad.”

“Baka malimutan mo.’’

“Hindi! Sige! Saka na lang tayo mag-usap at may pupuntahan pa ako.’’

ISANG umaga, dakong alas nuwebe, abala si Sir Juan sa kanyang opisina nang bigla niyang marinig ang sigaw ni Mahinhin.

“EEEEEE! Sir Juan! Sir Juan!’’

Mabilis na tumakbo si Sir Juan patungo sa room ni Mahinhin. Ano ka-yang nangyari kay Mahinhin? Bakit big­lang nagsisigaw?

(Itutuloy)

ACIRC

AKO

ANG

ANO

HINDI

MAHINHIN

NEC

O NEC

PALAGAY

SIGE

SIR JUAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with