^

Punto Mo

‘A confident Queen’

- Tony Calvento - Pang-masa

MAKALIPAS ang mahigit apat na dekada muling naiuwi ng Pilipinas ang titulong Miss Universe sa pamamagitan ng ating pambato na si Pia Alonzo Wurtzbach.

Matapang niyang sinagot ang bawat tanong na ibinato sa kanya at ang pinakatumatak na linya sa huling naging kasagutan niya ay ‘I am confidently beautiful with a heart’.

Bago pa man maging Miss Universe si Pia ay naging artista na siya sa Pilipinas hanggang sa mapagpasyahan niyang sumali sa Binibining Pilipinas.

Totoong may puso si Pia dahil siya ang nagsilbing ‘breadwinner’ ng kanyang pamilya. Sa murang edad ay sumabak na siya sa pag-arte.

Sinubukan niyang sumali sa ‘beauty contest’. Hindi man siya pinalad na makuha ang korona hindi siya tumigil hangga’t hindi niya naaabot ang kanyang pa-ngarap na maging Reyna sa pinaka-prestihiyosong patimpalak sa pagandahan sa buong mundo.

Matapos ang kanyang makasaysayang pagkapanalo ay noong Enero 23, 2016 lamang siya nakabalik sa sariling bansa.

Kabi-kabilang imbitasyon ang natanggap ng kilala sa tawag ngayong ‘Queen P’ upang siyang makapanayam at mabigyan ng parangal.

Isa na dito ay sa  Senado at sa Lungsod ng Maynila.

Nag-abiso na din ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista na iwasan ang ilang mga kalsadang isasara para sa ‘homecoming parade’ ni Queen P.

Maliban pa sa pagbibigay ng parangal kay Queen P, sari-saring isyu din ang sumalubong sa kanya. Isa na dito ang tungkol sa pagbabayad niya ng buwis sa kanyang mga napanalunan at sa koronang iniuwi niya sa Pilipinas na nagkakahalagang $300,000.

Naglabasan kamakailan ang sinabi ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares na hindi makakaligtas sa buwis si Queen P.

Sa isang panayam sinagot ni Queen P na hindi niya babayaran ang buwis sa korona dahil hindi naman niya ito permanenteng pag-aari. Ipapasa niya ito sa susunod na hihiranging Miss Universe pagkatapos ng kanyang termino.

Dagdag pa niya nagbabayad siya ng tamang buwis noong nag-aartista pa lang siya at nang sumali siya sa Binibining Pilipinas. Ipagpapatuloy niya pa din ang pagbabayad tulad ng nakagawian.

Idedeklara niya lahat ng kanyang napanalunan at magbabayad siya ng buwis sa mga kikitain niya tulad ng ginagawa ng ibang Pilipino.

Ang tungkol sa korona, ibang usapan sapagkat isosoli niya ito pagdating ng panahon.

Kitang-kita din ang suporta at pagmamahal ng ating mga kababayan sa ating Reyna. Saan man siya magpunta ay napupuno niya ang lugar sa kagustuhang masulyapan man lang siya kahit sa malayuan.

Humingi din ng kaunting pasensya ang MMDA sa  magiging abala sa trapiko. Giit nila nararapat lang na ibigay ang parangal na ito kay Pia dahil sa pagkakapanalo niya sa korona.

Sakay si Pia ng isang ‘float’ na ang disenyo ay tulad ng kanyang korona at pagkatapos ng parade ay isang ‘motorcade’ sakay ng limousine.

Nasaksihan natin ang dami ng tao at siguradong hahaba din ang pila ng mga manliligaw ngayon ni Pia.

Sa mga kalalakihan naman d’yan may pag-asa pa kayo dahil ang sabi niya wala daw siyang boyfriend hanggang ngayon.  ‘Pati ikaw Pres. P’noy!’

PARA SA ANUMANG REAKSYON, sa mga biktima ng krimen o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

ACIRC

ALIGN

ANG

LEFT

MGA

MISS UNIVERSE

NIYA

QUEEN P

QUOT

SIYA

STRONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with