^

Punto Mo

‘Hamon ko kay Mayor Duterte sa SAF 44’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

HINAHAMON ko si Mayor Rudy Duterte sa kanyang mga nalalaman sa Mamasapano massacre.

Sa unang anibersaryo kasi ng SAF 44 kahapon, nagsalita ang alkalde pero kapiranggot na impormasyon pa lang.

Habang kasagsagan daw ng bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at rebelde, kasama niya raw mismo si Pangulong Noy Aquino sa kampo.

Ganunpaman, ikinukunsidera nya pa raw muna ang “confidentiality” sa kaniyang mga nalalaman. Habang isinusulat ang kolum na ito, wala pa siyang sinasabi sa media.

Subalit kung ipapatawag daw siya sa Senate hearing saka lang siya magsasalita. Hindi niya na raw dadagdagan pa ng kasinungalingan ang isa pang kasinungalingan.

Maliban na lamang daw kung magtutuloy-tuloy pa ang kasinungalingan ng administrasyon sa Mamasapano massacre, mapipilitan siyang magsabi ng totoo. Obligasyong moral niya raw ito sa tao.

Lumalabas, maraming nalalaman si Mayor Duterte sa Mamasapano pero ayaw niya pa munang magsalita sa kontrobersiya.

Hamon ko sa’yo mayor, magkaibigan naman tayo, hindi na kailangan pang magtakutan pa para ilutang ang katotohanan tulad ng sinasabi mo.

Hindi na kailangang kondisyunal ang pagsasalita lalo’t hindi naman malalagay sa alanganin ang kaligtasan ng bansa.

Tanong, papano pala kung hindi ka ipinatawag sa Senate hearing?

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.

 

ABANGAN

ANG

GANUNPAMAN

HABANG

HAMON

LUMALABAS

MALIBAN

MAMASAPANO

MAYOR DUTERTE

MAYOR RUDY DUTERTE

PANGULONG NOY AQUINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with