Masarap na Pagkakamali
UMASENSO ang buhay ng isang pamilyang may ka-rinderya dahil sa halip na lutuin sa tubig ang pata ng baboy na inilaga nang nakaraang gabi, ay sa kalderong puno ng mantika ito nailagay. Ang resulta ng kapalpakan: crispy pata. Nagkamali ang isang ginang sa paggamit ng klase ng chocolates sa paggawa ng chocolate cookies. Ang resulta: chocolate chip cookies.
May isang “big time na pagkakamali”, ang softdrink na Coke! Ito ay sinimulang imbentuhin ni Dr. John Smith Pemberton ng Atlanta bilang gamot na syrup para sa sakit ng ulo at pagkahilo. Nang ito ay ibenta sa isang botika sa Atlanta, ang instruction sa salesclerk bago ibenta ang gamot: Hahaluan ito ng yelo, tubig at isang espesyal na sangkap upang maging effective. Ngunit sa halip na ang ilagay ay espesyal na sangkap, carbonated water ang naihalo ng clerk. Ang gamot ay naging carbonated softdrink. Ito ang dahilan kung bakit ang Coke ay sa botika nabibili noong 1886. Wala pa ito sa bote at lata. Ibinebenta ito nang “tingi” at inilalagay lang sa maliit na cup. Sino ba ang makapagsasabi na sa “pagkakamali” pala yayaman si Dr. Pemberton?
Nakakainip siguro ang buhay kung hindi uso ang “pagkakamali” ano? Dahil sa pagkakamali, nagkakaroon ng pagpipiyestahang tsismis sa showbiz na nagpapasigla sa mundo ng pinilakang tabing. Dahil sa pagkakamali, nagkaroon ng Edsa Revolution. Dahil sa pagkakamali, may nababasa ta-yong balita na nagbibigay sigla at kita sa newspaper industry. Okey lang ang magkamali sa mga desisyon sa buhay, basta’t gawin sana itong gabay para maging “wiser” sa susunod na pagkakataon.
- Latest