^

Punto Mo

EDITORYAL - Kawawa ang mga kasambahay

Pang-masa

TATLONG taon na ang nakalilipas mula nang ipatupad ang Kasambahay Law o Republic Act 10361 pero hanggang ngayon, marami pa rin sa kanila ang walang social protection. Ibig sabihin, hindi sila ipinaghuhulog ng kanilang employer sa Social Security System (SSS), PhilHealth at Pag-IBIG. Wala palang kaseguruhan ang kanilang kinabukasan sapagkat walang pagmamalasakit ang kanilang mga amo na ipaghulog sila sa mga nabanggit na social funds. Kung magkasakit sila, wala silang mapagkukunan nang ipangpapagamot. Wala rin silang mauutangan sapagkat hindi sila miyembro. Kawawa ang kalagayan ng mga kasambahay na bugbog ang katawan sa pagtatrabaho subalit walang malasakit ang amo.

Ayon sa grupong Federation of Free Workers (FFW), umaabot sa 1-milyong kasambahay ang hindi nirerehistro o pinagmimiyembro ng kanilang mga amo sa  SSS, PhilHealth at Pag-IBIG. Sabi ni Sonny Matula, presidente ng FFW, nasa 120,000 na kasambahay lamang ang naka-miyembro sa SSS; 60,000 sa PhilHealth at 25,000 sa Pag-IBIG. May kabuuang 2-milyon ang kasambahay sa buong bansa.

Nakakaawa ang kalagayan ng mga kasambahay sa ginagawang ito ng mga employer. Paano kung maaksidente ang kasambahay o kaya’y magkasakit? Wala man lamang silang mapagkukunan ng maipangpapagamot. Trabaho sila nang trabaho pero walang kaseguruhan.

Nararapat kumilos ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa nangyayaring ito at puwersahin ang employers na ipaghulog sa SSS, PhilHealth at Pag-IBIG ang kanilang kasambahay. Nararapat din namang imulat nila ang mga kasambahay na mayroon silang karapatan sa ilalim ng batas.

Magkaroon din naman ng pag-iimbestiga ang SSS, PhilHealth at Pag-IBIG sa mga employer na hindi sumusunod sa batas. Sa kabila na mandatory ang paghuhulog ng contributions, nananatili pa rin ang mga employer na sumusuway sa batas. Wala man silang malasakit sa mga kawawang kasambahay na halos ay alipin na ang kanilang turing sa mga ito.

ANG

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

FEDERATION OF FREE WORKERS

KASAMBAHAY

KASAMBAHAY LAW

MGA

NARARAPAT

PAG

REPUBLIC ACT

SOCIAL SECURITY SYSTEM

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with