^

Punto Mo

‘Bida biglang Kontrabida?’

- Tony Calvento - Pang-masa

KILALANG magaling na drug buster nalambat sa drug bust?

Bumaliktad yata ang ikot ng mundo nang maaresto si Marine Lt. Col Ferdinand Marcelino sa Sta. Cruz, Manila sa kompanya ng isang hinihinalang Chinese drug supplier.

Gumagawa lang daw siya ng sarili niyang pag-iimbestiga nung mga panahong yun at nataong naroon siya sa lugar nang mangyari ang ‘buy bust operation’.

Pinangunahan ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para ma-raid ang umano’y ‘drug laboratory’. Sa simula hindi makapaniwala ang mga ito nang makita si Marcelino sa maling kompanya. Ang akala pa nila ay kasama siya sa operasyong naganap.

Unang naging matunog ang kanyang pangalan at nailathala sa mga pahayagan noong Set-yembre 2008 nang pamunuan niya ang pag-aresto sa isang kilalang grupo na ‘Alabang Boys’ sa umano’y ‘Drug Possession’ at pagbebenta noong buy bust operations.

Ayon pa kay Marcelino noon ang tatlo ay naaresto dahil sa pag-aari at pagbebentaa ng 60 Ecstasy tablets, pakete ng marijuana at sachet ng cocaine.

Makalipas ang tatlong buwan ‘dismissed’ hatol ng Department of Justice (DOJ)sa kaso laban sa Alabang Boys dahil sa kakulangan ng ‘probable cause’.

Maliban sa Alabang Boys, umingay din ang pangalan niya nang ilantad niya ang umano’y panunuhol ng halos Php50 milyon para mapakawalan ang mga akusado kung saan nasa kostudiya pa ng pulisya nung mga panahong yun.

Sa paglalantad niyang ito iniutos ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang DOJ na mag-‘leave of absence’ ang lahat ng Prosecutors at opisyales na naakusahan na tumanggap ng panunuhol.

Sa pag-iimbestiga naman ng National Bureau of Investigation (NBI) hindi nakitaan ng matibay na ebidensya para suportahan ang mga akusasyong ito.

Si Marcelino ay napabilang sa Philippine Military Academy (PMA) Bantay-Laya Class 1994.

Ayon kay Marcelino sa kanyang pahayag sa Camp Crame kung saan siya dinala matapos ang pag-aresto na hindi siya kabilang sa iligal na gawaing ito at nasa isang misyon daw siya laban sa mga sindikato ng droga.

Sabi ni Col. Noel Detoyato, AFP Public Affairs Office chief na ang PDEA at ang PNP at magkakaroon ng buong kooperasyon  nang tanungin siya tungkol sa kaso ni Marcelino.

Hindi daw nila palalampasin ang maling gawain ng kahit na sinong tauhan nito.

“We are just hoping that due process will be observed in the case of Col. Marcelino. That’s our stand on this matter for now,” pahayag ni Detoyato.

Ang dating amo naman ni Marcelino na si ex-PDEA Director and retired AFP chief Dionisio Santiago na siya’y hindi corrupt na opisyal.

Sa ibang ulat naman e sinasabi nitong kanyang dating boss na si Ret. Gen. Dionisio Santiago na si Marcelino daw ay nagrereport ng diretso kay Executive Secretary Paquito Ochoa. Wala namang inilalabas pa si Exec. Sec. Ochoa kung itong pangyayaring ito ay naitimbre sa kanya o tuluyang niyang ilalaglag si Marcelino.

Ang mga operatiba ng PDEA sa pamumuno ni General Arturo Cacdac ay hinuli itong si Marcelino sa isang inilarawan nilang buy bust operation.

 Hintayin na lang natin ang mga susunod na pangyayari kung aakuin ba ni Exec. Sec. Ochoa na alam niya ang pangyayaring ito?

           PARA SA ANUMANG REAKSYON, sa mga biktima ng krimen o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

           Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

 

ACIRC

ALABANG BOYS

ANG

AYON

BANTAY-LAYA CLASS

DIONISIO SANTIAGO

MARCELINO

MGA

NBSP

SIYA

STRONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with