‘Argumento kay Grace Poe’
DAPAT masagot ni Grace Poe ang lahat ng mga kuwestyon sa kanyang kandidatura.
Hinggil ito sa dalawang disqualification case na isinampa laban sa kanya na nauna nang parehong hindi pinaboran ng Commission on Elections.
Sa oral argument ng Korte Suprema noong Martes, ginisa ng mga hukom ang kampo ng senadora.
Tatlong pangunahing tanong ang naging sentro ng argumento.
Una, sino ang nakakita na si Poe ay ipinanganak sa Pilipinas. Pangalawa, papaano siya nakakuha ng US citizenship at pangatlo, bakit siya nagkamali sa pagdedeklara ng kaniyang residency period.
Kinakailangang masagot ni Grace Poe ng klaro at tiyak, walang halong pagdududa at agam-agam ang mga tanong ng Supreme Court justices.
Mga teknikal at legal na tanong na nangangailangan din ng teknikal at legal na kasagutan.
Mahalagang malaman at maunawaan ng publiko kung kuwalipikado at balido siyang tumakbo sa pagka-pangulo sa darating na eleksyon.
Kung agarang masasagot at mareresolba ni Poe ang mga ipinupukol na tanong sa kanya, ngayon palang matutuldukan na ang isyu. Siya ang unang makikinabang at pangalawa na lang ang taumbayan.
Hawak ng senadora ngayon ang bola na siya ring maaari niyang gamitin sa kanyang ambisyong maging pangulo.
* * *
Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.
- Latest