^

Punto Mo

P2-M PCSO funds release para sa driver ni Maliksi, binatikos!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH Report: May sugal na color games at drop ball sa peryahan sa PRC, Pasong Tamo na makikita sa boundary ng Bgys. Cardona at Tejeros sa Makati City. Magulang din ang financier ng peryahan dahil bago magsimula ang pasugal n’ya ay pinapatay muna ang mga ilaw sa paligid, lalo na ang sa tindahan, para magmukhang ang bingohan lang ang gumagana. Sa ganitong sistema, nalilinlang ang mga pulis at media na umiikot sa puwesto n’ya. Ang poste na si Pepe ang taga-abot sa pulis at si Bernard naman ang sa media. Ang bukambibig nina Pepe at Bernard ay pasok sila kay Makati City police chief Sr. Supt. Ernesto Barlam at ang hepe ng intelligence n’ya na si Sr. Insp. Ferdie Satorre. Eh, di wow!

* * *

Mukhang hindi pagbabago ang nasa isipan nitong si Philippine Charity Sweepstakes Office chairman Ayong Maliksi nang magsisigaw ito noong nakaraang Nobyembre ukol sa tingin n’ya ay bulok na sistema sa PCSO. Ibinulgar kasi ni Maliksi ang VIP treatment sa pag-release ng pondo para sa mga may sakit kung saan, aniya, ang P100,000 na tulong ay para sa mga pasyente sa mamahaling ospital napupunta samantalang ang mga pasyenteng naka-confine sa public hospitals ay kapiranggot lang ang nakukuha. Sinabi ng mga kosa ko na pabor sa mga mahihirap itong tinuran ni Maliksi. ‘Ika nga, umani ng pogi points dito itong si Maliksi na itinalaga ni Pres. Aquino sa PCSO mga sampung buwan pa lang ang nakaraan. Subalit kailangan pa bang ibunyag ni Maliksi sa media para malaman ng madlang people itong problema ng PCSO na mismong pinamumunuan n’ya? Punyeta! Ang dapat sigurong ginawa ni Maliksi ay pinatawag ang mga departamentong sangkot sa tingin n’ya na bulok na sistema, pinulong at ginawan ng paraan para masawata ito, di ba mga kosa! Nang sa gayon naka in-house lang ang problema. Kung sabagay pulitiko itong si Maliksi na sa tingin ng mga kosa ko ay mahilig sa grandstanding. Get’s n’yo mga kosa?

Subalit kung umani ng pogi points itong si Maliksi sa pagbatikos n’ya ng PCSO, nabura ang lahat na ito matapos ibulgar ng grupong Filipino Alliance for Transparency and Empowerment (FATE) na nagpalabas ito ng halagang P2 milyon pondo bilang tulong sa personal driver n’ya na si Celestino Ama, na may karamdaman sa puso. Sinabi ni FATE president Joy Castro na mismong si Maliksi ang gumawa ng paraan para makalabas kaagad ang pondo para magamit ni Ama na naka-confine noon sa Philippine Heart Center. Eh panay sigaw ni Maliksi tungkol sa anomalya sa PCSO eh me itinatago din pala siyang baho? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Akala ko ba chairman Maliksi pantay-pantay dapat ang pagtingin sa mga pasyente o kliyente ng PCSO, eh bakit may VIP treatment dito sa kaso nitong driver mo na si Ama? Paki explain please! Punyeta! Kabaligtaran itong kaso ni Ama sa pinagsisigaw ni Maliksi ah, di ba mga kosa! Tumpak!

Ayon pala sa charter ng PCSO, kahit sinong pasyente ay puedeng humingi ng tulong subalit ang katayuan nila sa buhay ang magiging basehan kung magkano ang iabot sa kanila na pondo. Maliban lang ito sa maternity cases tulad ng kumplikado na labor at delivery at iba pa. Ang ibabawas dun sa bayarin ng pasyente ay ang professional fees, room at board charges, Senior Citizen, PWD, at ipa pang discounts tulad ng PhilHealth, at HMO. Ipinaliwanag pa ng PCSO Charity Sector dept. na hindi sila ang namimili ng ospital kundi ang pasyente mismo o mga kamag-anak nito. Punyeta! Mukhang bumabalik ke Maliksi itong ginawa n’yang pagbubulgar nang bulok na sistema sa PCSO ah!

Samantala, sinabi naman ni Isabela Rep. Rodolfo Albano na nararapat lang na bigyan si Ama ng PCSO assistance, hindi dahil empleado s’ya ng PCSO, kundi bunga sa karapatan n’ya ito. Kahit driver ng presidente, Senado o ng mataas ng opisyal ng gobyerno, walang masama na bigyan ng tulong mula sa PCSO kung wala s’yang perang pambayad sa medical bills n’ya, ani Albano. Abangan!

ACIRC

ANG

AYONG MALIKSI

CELESTINO AMA

CHARITY SECTOR

ERNESTO BARLAM

MAKATI CITY

MALIKSI

MGA

PCSO

PUNYETA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with