^

Punto Mo

Sir Juan (97)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MAAARI niyang paalisin si Nectar sa boarding house kung gagawin niya dahil sa inasal nitong inuutus-utusan siya. Parang wala nang paggalang sa kanya. Pero napag-isip-isip ni Sir Juan, na huwag muna ngayon. Kailangang matikman muna ni Nectar ang mga inihanda niya rito bilang ganti sa ginawa kay Mahinhin. Masyadong kinawawa ni Nectar si Mahinhin. Palibhasa’y hindi ito lumalaban ay kinaya-kaya. Mabuti na lang at pinagpatuloy niya ang paghahanap kay Mahinhin sa KOLEHIYALA kundi ay baka naroon pa ito at nagtitiis matulog sa malamok na basement.

Kailangang makatikim ng leksiyon si Nectar. Hindi niya ito tuwirang palalayasin sa boarding kundi ito na mismo ang magkukusang umalis. Kapag nangyari iyon, nakaganti na si Mahinhin.

Pero dapat pa rin siyang maging mapagmatyag kay Nectar. Sa himig ng pananalita nito kanina ay tila mayroon na namang binabalak laban kay Mahinhin. Kung hindi nito nakuha sa pagkuha-kuha ng pictures, maaaring may iba na namang binabalak – at baka mas matindi na ang gawin nito.

Hanggag maipasya ni Sir Juan na isagawa na ang plano na naisip laban kay Nectar. Kailangang maipakita na nila ni Mahinhin kay Nectar na kunwari’y magsiyota sila. Dapat nang gawin iyon para hindi na makapag-isip pa ng ibang balak si Nectar.

Kinagabihan, tinungo ni Sir Juan ang room ni Mahinhin. Banayad siyang kumatok sa pinto.

Ilang katok ang ginawa niya hanggang makarinig siya ng pagpihit sa sera-dura. Bumukas ang pinto at sumilip si Mahinhin.

“Mayroon akong sasabihing mahalaga, Mahinhin.”

“Ano po yun, Sir Juan?’’

Pumasok si Sir Juan. Inilapat niya ang pinto.

(Itutuloy)

ACIRC

ANG

ANO

BANAYAD

BUMUKAS

DAPAT

KAILANGANG

MAHINHIN

NECTAR

PERO

SIR JUAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with