^

Punto Mo

‘Bahala na si Batman’

- Tony Calvento - Pang-masa

SA mga retirado malaking tulong ang pensyong natatanggap nila buwan-buwan na mula sa pinaghirapan nila nung malalakas pa ang katawan.

Nung may panukala na taasan ang pensyon, ang House Bill No. 5842 sa Social Security System (SSS) maraming mga natuwa dahil madadagdagan ang pambili nila ng gamot at panggastos.

Sa tagal ng paghihintay ng mga pensionado at haba ng pinipila nila kapag nagpa-file ng pensyon o anumang claims sa ahensya malaking bagay para sa kanila ang karagdagang halagang ito.

Karagdagang dalawang libong piso ang hinihiling na pagtaas sa mga natatanggap na pensyon.

Ayon sa Pangulong Benigno Simeon Aquino III mahigit dalawang milyong pensionado o retirado ang matutuwa ngunit nasa tatlumpung milyon naman ang maaapektuhan sa darating na panahon.

Kapag pinayagan daw ang pagtaas na ito ay malulugi ang SSS sa loob ng labing isang taon at wala ng mabigay sa mga miembro dahil bangkarote na.

“Hindi kapritso ‘to! Pinag-aralan at ibabangkarote mo yung SSS ‘pag pinasukan ‘to by 2027. At siguro maski sinong mamamahala ng gobyerno, importante na may commitment ang estado, in this case the SSS, na agency ng gobyerno na ibigay sa iyo ‘yung benepisyong pinangako sa iyo,” wika ni PNoy sa isang ‘press conference’.

Pagdidiin ng Pangulo na kakailanganin ng ahensya ang karagdagang Php56 milyon bawat taon para matupad ang dalawang libong pagtaas.

“Matutuwa yung 2.15 million, mapapahamak yung 30 million. Tama ba yun? Doon nagsimula ang desisyon natin na kailangan i-veto ang measure na ito dahil hindi natin kayang i-sustena yung ating SSS system,” dagdag pa ni PNoy. 

Iisipin daw ng ilan na siya’y walang puso sa hindi niya pag-aapruba nito ngunit mas magiging pabaya siya kung sakaling hahayaan niya itong mangyari.

Inaprubahan ng House of Representatives ang  pagtaas na ito noong ika-siyam ng Hunyo 2015 habang pinagtibay ito ng Senado noong Nobyembre 9.

Ang kasalukuyang pinakamababang natatanggap na pensyon sa SSS ngayon ay nasa Php1,200  bawat buwan.

 

Dito rin naman ako humanga sa ating Pangulo. Maraming Political Analyst ang nagsasabi na maaring maapektuhan ang kandidatura ng kanyang kaibigan na si Mar Roxas bilang Pangulo ng Liberal Party.

Mahigit dalawang milyong botante din yan at kanyang mga pamilya.

Ito ay katangian ng isang maayos ng Pinuno ng bansa na handing gumawa ng mga ‘unpopular decisions’ para sa higit na nakararami at sa taong darating pa.

Sa desisyong ito sumasang-ayon ako kay P’noy at sana naman maintindihan natin na hindi rin siya tulad ng iba dyan na pangako ng pangako na pati sweldo ng pulis ay itataas sa limampung libong piso na alam naman nating lahat na imposibleng mangyari ito!

Hindi siya basta na lamang pumayag sa pagtaas tapos bandang huli ang sasabihin na lang ay ‘Bahala na si Batman’.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

 

ACIRC

ANG

HOUSE BILL NO

HOUSE OF REPRESENTATIVES

ITO

LIBERAL PARTY

MAR ROXAS

MARAMING POLITICAL ANALYST

MGA

PANGULO

PANGULONG BENIGNO SIMEON AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with