^

Punto Mo

EDITORYAL - Maging alerto sa mga terorista

Pang-masa

NAGKAROON ng mga sunud-sunod na pam­bobom­ba sa Jakarta, Indonesia noong Huwebes at may mga namatay at grabeng nasugatan. Napatay naman ng mga pulis ang apat na hinihinalang terorista na kabilang umano sa teroristang Islamic State of Iraq and Syria (ISIS). Naganap ang unang pagpapasabog sa Starbucks café at sinundan ng lima pang pagpapasabog. Nagkalat ang bangkay sa pinangyarihan ng pagpapasabog.

Ang nangyari sa Indonesia ay maaaring mangyari sa bansa kung hindi magiging alerto ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP). Itinatanggi naman ng AFP na nakapasok na sa bansa ang teroristang ISIS. Kahapon, napabalita na isang pinuno ng Abu Sayyaf ang bagong lider daw ng ISIS sa Pilipinas.

Hindi dapat maging kampante ang mga awtoridad. Kung may katotohanan na nasa bansa na ang ISIS hindi ito dapat ipagwalambahala. Ngayon pa lamang umpisahan nang hanapin ang mga sinasabing tero-rista at durugin. Huwag nang hayaang magsabog ng lagim ang mga walang kaluluwa.

Naranasan na ng bansa ang bangis ng terorismo nang magkaroon ng sunud-sunod na pambobomba sa bansa noong Disyembre 30, 2000 na ikinamatay ng 17 katao at ikinasugat ng 100 iba pa. Pinakaraming namatay sa Light Rail Transit (LRT) habang nasa Blumentritt Station. Ang teroristang Jemaah Islamiyah ang nasa likod ng pambobomba. Marami pang pambobombang nangyari sa bansa na ikinamatay nang marami.

Huwag bigyan ng pagkakataon ang ISIS na nagsabog na rin ng lagim sa Paris, France noong Nobyembre 18, 2015 kung saan 130 katao ang namatay. 

Naghihintay lamang ng pagkakataon ang mga terorista at saka sasalakay. Maging alerto ang lahat. Maging mapagmasid sa mga bagay na iniiwan sa mga pampasaherong bus, mall, simbahan, paaralan at iba pang matataong lugar. Ipagbigay alam agad ito sa mga awtoridad.

ABU SAYYAF

ACIRC

ANG

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BLUMENTRITT STATION

HUWAG

ISLAMIC STATE OF IRAQ AND SYRIA

JEMAAH ISLAMIYAH

LIGHT RAIL TRANSIT

MGA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with