^

Punto Mo

Sir Juan (93)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

UMUWI na sina Sir Juan at Mahinhin. Bitbit na muli ni Mahinhin ang isang bag na may lamang damit at mga libro.

Inihatid mismo siya ni Sir Juan sa dating silid. Noon ay mag-aalas dos na ng madaling araw. Tahimik na tahimik na sa boarding house. Wala ni isa man sa mga boarder ang nakakita sa pagbabalik ni Mahinhin. Maski si Nectar na numero  unong kontrabida kay Mahinhin ay walang kamalay-malay na nagbalik na ang dalaga.

Pero bago umalis si Sir Juan sa silid ni Mahinhin ay marami itong ipinagbilin sa dalaga. Isinara ni Sir Juan ang pinto para silang dalawa lamang ang nakaaalam ng mga plano.

“Tandaan mo Mahinhin ang plano natin. Magsiyota tayo kunwari at ipakikita natin iyon kay Nectar. Magi-ging sweet tayo sa isa’t isa at maaaring iyon ang dahilan para siya mainis at tuluyang magpaalam na sa boarding house. Tandaan mo rin na huwag kang magsasalita kahit na ano pa ang sabihin sa’yo. Kahit pa i-bully-bully ka ni Nectar, huwag kang magpapatalo. Iwasan mo na lang kapag magkakasalubong kayo. Mahirap kasing maki-pagtalo sa kanya. Basta tayong dalawa lamang ang nakakaalam nang lahat.’’

“Opo Sir Juan, tatandaan ko po ang lahat nang mga sinabi mo.’’

“Hindi ka tutol na magsiyota tayo?’’

“Hindi po.’’

“Good. Sige, iiwan na kita. Enjoy ka sa dati mong room. Nakakaawa ka naman sa mga nakaraang buwan na pinapak ng lamok sa KOLEHIYALA.’’

“Salamat po.”

Pero mayroong naalala si Mahinhin nang lalabas na si Sir Juan.

“Sir Juan, paano nga po pala ang pagpasok ko sa KOLEHIYALA. Natatakot na po akong bumalik doon. May phobia na po ako dahil sa raid.”

“Akala mo ba papayagan pa kitang bumalik sa KOLEHIYALA? Hindi ka na babalik dun!”

“Pero paano po ang pag-aaral ko? Paano po ako makakatapos?’’

“Natatandaan mo ba ang alok ko sa’yo nun? Yung gagawin kitang scholar?’’

“Opo.’’

“Ganun pa rin ang alok ko. Mahinhin. Mula ngayon ay scholar na kita. Wala kang gagawin kundi ang mag-aral.’’

“Pero paano po ang iba­bayad ko rito sa kuwarto?’’

“Scholar nga kita eh. Si-yempre pag-scholar, kasama na pati ang tirahan.’’

“Kakahiya naman po yata, Sir Juan.’’

“Wala nang hiya-hiya ngayon. Saka ako ang nag-offer di ba?”

Hindi makapagsalita si Mahinhin. Parang hindi makapaniwala sa offer ni Sir Juan.

“O sige, matulog ka na. Alam kong sabik ka sa tulog. Basta ‘yung pinag-usapan natin ha?’’

“Opo.”

Lumabas na si Sir Juan.

 

MAKALIPAS ang ilang araw, ganun na lamang ang pagkagulat ni Nectar nang makita si Mahinhin. Bakit narito ang babaing ito?

Sinundan niya si Ma-hinhin. (Itutuloy)

ACIRC

ANG

JUAN

MAHINHIN

OPO

OPO SIR JUAN

PERO

SIR

SIR JUAN

TANDAAN

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with