‘Epalitiko’ season na talaga!
NAKAKATAWA na may halong pagka-buwisit ang kaepalan ng mga kapalmuks na pulitiko.
Eto na, eleksyon na naman kasi kaya nagkukumahog na sila sa mga pautot at patalastas.
Kaliwa’t kanan na naman sa pagsabit ng mga “basura” sa lansangan. Sa sobrang desperasyon kung anu-anong pagpapapansin ang ginagawa para lang mapansin.
Ito ’yung nakasanayan at bulok nang sistemang pag-aalok ng ayuda ng mga putok sa buhong pulitiko.
Nandiyan ang libreng tuli, libreng medikasyon, pabunot ng ngipin, libreng training skills. Kulang na lang pati kasal, binyag, libing o KBL, ililibre na rin at hindi papalampasin.
Sinasadya nilang sanayin ang kanilang mga constituents sa kanilang pagiging trapo kung saan, ang mga residente sa isang bayan o lalawigan lalapit kay kongresman, gobernador, mayor, kapitan, konsehal at kung sino pang mga talpulano.
Habang papalapit na ang eleksyon, pansinin at bantayan ang mga maglalabasan pang kung anu-anong “libre” sa ngalan ng kanilang “serbisyo-publiko” kuno.
Simula pa lang yan. Marami pang malalabasang epal.
Tip ni BITAG, tanggapin niyo lang. Puntahan ang mga “libre” pero pagdating sa eleksyon ‘wag ninyo silang iboto.
* * *
Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.
- Latest