^

Punto Mo

‘Ang Itim na Nazareno’

- Tony Calvento - Pang-masa

PAKAPAL nang pakapal ang mga taong bumubuhat, sumusunod sa prusisyon at humahalik sa Poong Nazareno. Humahatak din ng lubid sa dagat ng mga deboto.

Panatiko ba sila o talagang matibay ang pananalig sa Itim na Nazareno? Kung iisipin mo napakahirap maglakad ng malayo ng walang suot sa paa sa tirik na araw. Idagdag mo pa ang buhat mong Poong Nazareno.

Sa paniniwala ng ilan basta makahalik sila, maipahid ang kanilang puting panyo sa Nazareno ay matutupad ang kanilang kahilingan at pagpapalain sila sa buhay.

Magandang kalusugan at kaluwagan sa buhay ang madalas hilingin ng ilan.

Matanda, bata, walang pinipiling edad ang mga deboto basta naniniwala ka sa kanyang kabanalan at milagro. Ang ilan pa ay may dala-dalang replica ng Nazareno habang dumadalo sa prusisyon.

Dati puro lalaki lang ang pinapayagang magpasan ng Nazareno pero ngayon maging ang kababaihan ay pinapahintulutan na ding magbuhat.

Isa sa pinaniniwalaan nilang pinaka-banal sa katawan ng Nazareno ay ang kanang balikat niya na nagpasan ng krus.

Tatlong beses ginagawa ang prusisyon sa buong taon. Tuwing bagong taon sa unang araw ng nobena, Good Friday at ika-siyam ng Enero.

Ilang kalsada din ang isinasara upang bigyang daan ang prusisyon. Ngayong taon sa palaki nang palaking bilang ng mga deboto ay naghahanda na din ang ating kapulisan upang huwag magkaroon ng anumang problema tulad ng pag-atake ng mga terorista.

Ito kasi ang pagkakataon nila para lumusob at basta na lang gumawa ng karahasan sa ating bansa.

May mga nakahanda na ding mga manggagamot para sa mga mahihimatay at magkakasugat sa lugar.

Nitong taon lang naglaan na ng limang libong kapulisan ang National Capital Regional Police Office (NCRPO) at siyam na daang sundalo upang mapanatili ang kaayusan sa lugar.

Marami sa atin na hindi nauunawaan kung bakit ba nagpapakahirap ang ilan nating mga kababayan na makipagsiksikan, makipagtulakan mapalapit lang sa Poong Nazareno.

May kanya-kanya tayong pananampalataya at ang marami sa atin ay naniniwala na nagbibigay ito ng milagro. Yung mga taong salat sa pera pero mayaman sa pananampalataya ay nanghahawak sa paniniwalang matutulungan sila ng Nazareno na mabigyan ng maayos na buhay at ganda ng kalusugan.

Maraming balita ang lumalabas na nagkaroon ng himala sa kanilang buhay mula ng makahalik sila sa Nazareno.

Mabigat man na trapiko ang dulot nito ay sanay na din ang ating mga kababayan dahil ito ay paggalang sa pananampalataya at pagbibigay halaga sa mga sinakripisyo ng Panginoon para sa atin.

PARA SA ANUMANG REAKSYON, sa mga biktima ng krimen o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

 

ANG

CALVENTO

DATI

ENERO

GOOD FRIDAY

MGA

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

NAZARENO

POONG NAZARENO

STRONG

TONY A

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with