^

Punto Mo

‘Simbolo ng kapabayaan, kapalpakan’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

HANGGA’T nakaupo si Sec. Joseph Abaya sa DOTC, hindi mareresolba ang problema sa MRT3.    

 Nananawa na ang tao na marinig ang puro pagdadahilan at pagtatakipan sa mga kapabayaan at kapalpakan ng ahensya.

 Ang gustong malaman ng publiko, kailan matatapos ang kanilang kalbaryo sa pupugak-pugak na MRT3.  

 Kailan maaayos ang matagal nang problema nang sa gayun hindi na malagay pa sa perwisyo, kalbaryo at panganib ang buhay ng mga mananakay.  

 Ito man lang sana ang maisip ni Abaya. Para bago man lang matapos ang kanilang termino sa Hunyo masabi ng tao na may nagawa siya.

 Hindi ‘yung nananatili siya sa kaniyang pwesto sa dilim at ayaw lumabas sa liwanag kasi mabubuking sa kanilang kapalpakan.

 Ito namang si Pangulong Noy Aquino, kinu-kunsinte pa si Abaya. Pilit talagang ipaglalaban ng patayan huwag lang sibakin ang kalihim sa DOTC na saksakan ng anomalya.

 Pagod na ang publiko sa mga isyu ng korupsyon at katiwalaan sa DOTC. Ang nangyayari tuloy, tao ang nagsasakripisyo courtesy of Sec. Abaya.

 Mismong si PNoy na ang nagsabi sa kaniyang SONA noong 2013 habang pinatataman ang ilang kapalmuks niyang gabinete, “Saan po kayo kumukuha ng kapal ng mukha?”

 Ngayon ang litanyang yan, para sa’yo naman, Abaya!   

 Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.

ABANGAN

ABAYA

ANG

HUNYO

ITO

JOSEPH ABAYA

KAILAN

MISMONG

NANANAWA

NBSP

PANGULONG NOY AQUINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with