^

Punto Mo

Color games ni Marissa sa Quiapo, close-open!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

HABANG abala si NCRPO chief Dir. Joel Pagdilao at mga church leaders at iba pang mga stakeholders para sa seguridad ng Feast of Black Nazarene sa Enero 9, aba’t nagbukas naman ng sugal n’yang color games si Marissa sa Quiapo. Nag-final briefing kasi si Pagdilao ukol sa Black Nazarene sa Benedict Bldg., sa Quiapo kahapon ng umaga at sa di kalayuan ay ang color games ni Marissa na matatagpuan sa dating puwesto sa ilalim ng tulay. Dalawang beses nang naipasara ni Pagdilao itong color games ni Marissa subalit ewan ko ba’t nagpupumilit pa siya. Sa magkanong halaga kaya ha MPD director Chief Supt. Rolando Nana Sir? Humanga na sana ang sambayanan kay PNP chief Dir. Gen. Ricardo Marquez at Pagdilao bunga sa matahimik na Christmas at New Year revelries subalit mababawasan ang kinang nito kapag patuloy na operation ng color games ni Marissa, di ba mga kosa? Kung may balak pang ilagay ni Marquez si Nana sa regional command o RD, ‘wag na niya ituloy dahil kapirasong sugal lang na color games ay hindi n’ya maaksiyunan. Eh paano kung may mga malalaking kaso na? Get’s mo Gen. Marquez Sir? Punyeta! Imbes na sa Feast of Black Nazarene maging debutante itong mga Pinoy eh baka sa color games ni Marissa sila maging deboto, di ba mga kosa?

Kung sabagay, may balita naman ang mga kosa ko na hindi na si Nana ang nagbibigay ng basbas sa mga gambling lords para mag-operate sa Maynila dahil nakikialam na ang City Hall ni Mayor Erap Estrada. May tatlong butas pala sa City Hall at ang isa ay ang MASA para kay Erap nga, ang anti-vice squad naman ang para kay Vice Mayor Isko Moreno, at ang kay alyas Tata Domeng. Dati-rati ang MPD ang unang kinukunan ng go signal ng mga players subalit nitong papalapit na 2016 elections ay nabaliktad ang sitwasyon at naitsa puwera na ang tropa ni Nana. Kapag may basbas kasi nina Erap at Isko ang isang pasugalan, hindi na nakikialam ang MPD, ayon sa mga kosa ko? Hehehe! Nag-iipon kaya ng war chest sina Erap at Isko? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Kung sabagay, kailangan nina Erap at Isko nang malaking war chest bunga sa huling survey ay kulelat sila. Nitong nakaraang Setyembre, si Erap ay pangatlo sa survey sa pagka-mayor ng Maynila samatalang si Isko naman ay naging No. 19 sa mga senador. Bunga sa nasa dulo sila, kailangan nina Erap at Isko na magpaulan ng salapi sa nalalapit na election para bumango sila at suportahan pa ng mga Manilenyo na nabola nila noong nakaraang halalan. Punyeta! Ginawang negosyo ng tandem nina Erap at Isko ang Maynila kaya’t hayan, naghihikahos ang mga Manilenyo, di ba mga kosa? Nilinis nila Erap at Isko ang Divisoria ng ilang araw samantalang ang mga bus naman ay hinarang at hindi pinapapasok sa Maynila. Ngayon mga kosa, tingnan n’yo ang Divisoria at hitik na ito ng mga vendors at mas masahol pa sa dati samantalang ang mga bus ay bumalik na din sa kalsada na naging dahilan ng matinding trapik. Isama na natin ang mga cargo trucks na lumalabas sa Customs na nagbabayad ng P100 kada isa sa City Hall. O di ba negosyo ang tawag d’yan? Hehehe! Kanya-kanyang taga lang ‘yan!

Kaya’t hindi nalalayo na itong color games ni Marissa sa Quiapo at ang kay Alex naman sa Sto. Niño sa Tondo ay kasama sa negosyo nina Erap at Isko. Kaya’t malakas ang loob nitong sina Marissa at Alex na magbukas ng ilegal bunga sa kautusan ni Erap at Isko na walang raid sa mga pasugalan para may pantustos sila sa darating na election. Punyeta! Nagmukhang tando-tando itong si Nana kung ang mga pasugalan sa Maynila ang gagawing basehan, di ba mga kosa? Ang tanong sa ngayon Gen. Marquez Sir, sino na lang ang magpapatupad ng batas laban sa illegal gambling sa Maynila kung may posas ang mga kamay ni Nana? Eh puro puwesto piho pa naman ang mga color games nina Marissa sa Quiapo at kay Alex sa Tondo, na ang ibig sabihin ay kitang-kita ng madalang people! Hindi ang City Hall ang sinisisi ng mga magulang kundi ang kapulisan dahil malapit sa mga presinto ang mga color games na ‘yan. Abangan!

ACIRC

ALEX

ANG

CITY HALL

COLOR

ERAP

GAMES

ISKO

MARISSA

MAYNILA

MGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with